Chapter 34 - Unmasked

32.8K 592 40
                                    

So sorry sa delay. Hope you like this chapter!

Enjoy!

======================

CHAPTER 34

“Gino, let’s talk,” dinig niyang sabi ng mama niya. He was forced to look away from Mikay and his grandfather on the dance floor.

Nang lingunin niya ang ina ay nahulaan na niya agad ang pag-uusapan nila. Tumango siya at sumunod dito. They stopped in the middle of a deserted hallway not far from the ballroom of the hotel.

“Have you told her yet?” agad na tanong nito sa kanya.

“Ma, I can’t just drop that bomb nang ganun-ganun lang. Humahanap pa ako ng tamang pagkakataon.”

“Are you making up excuses? Gino, don’t you think you’ve delayed this long enough? Kailangan nang malaman ni Mikay. Kapag pinatagal mo pa ‘to lalo mo lang siyang masasaktan.”

“I know ma, I know. I am going to tell her, I promise.”

“Well, kailan pa?”

“I-I’m doing it tonight. Pagkatapos ng ball.”

Alicia sighed in relief. “Good. You better tell Mikay tonight. Or else, I’m going to do it for you.”

“Tell me what?”

Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Parang nalaglag ang puso niya sa sahig nang makitang nakatayo si Mikay doon. Nagtatanong ang ekpresyon nito at nagpapalit-palit ang tingin sa kanya at sa mama niya.

“Gino? What are you going to tell me?” muli nitong tanong nang hindi sila agad nakasagot.

Tumikhim si Alicia. “I’ll leave you two alone para makapag-usap kayo.”

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon