JB'S POV
"Bro!" Tawag sakin ni Raf.
Ano nanaman ang ginagawa ng tae na'to dito? -___-
"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko sa kanya. Patay nanaman ako nito pag nahuli siyang nandito.
"Old reason, Bro." Sabi na nga ba! Palagi na lang siyang nandito para dumiskarte do'n sa hot kong Secretary. Wala namang problema sakin yo'n pero hindi kay Dad. "Wag kang mag alala Bro, kinausap ko na si Tito Mike." Mukhang nabasa niya ang iniisip ko dahil sa sinabi niya.
"At ano nanamang diskarte ang ginawa mo para mapapayag ang tuod na 'yon?" Dad and I are not too close. Simula ng mamatay si Mom ay ako na ang napag iinitan niya sa lahat ng bagay, Even here sa kumpanya namin.
"Don't worry Bro, diskarteng matino yung ginawa ko." Sabay tawa.
Kung hindi ko lang siya kilala ay baka maniwala pa ako sa kanya, but knowing Raf? Wala atang gagawing maganda 'to. Palagi rin akong napapaaway ng dahil sa kanya.
"Hey!" Siya.
"What?!" Hindi ko alam pero ang init ng ulo ko pag naiisip kong pinupuntahan niya si Ms.Rica. Yung Sexytary ko. Napaka-hot naman kasi ng babaeng 'yon.
"Nasa'n siya?" Palinga-linga niyang tanong. Alam kong hinahanap niya yung babae.
"Naglunch." Walang gana kong sagot sa kanya.
"Geez! Kanina pa ba?! Sayang naman." Nakanguso niyang sabi. Napatitig na lang ako sa inakto niya. Ilang minuto akong ganun. Tinititigan lang siya.
"Don't tell me na nababakla kana sakin Bro?" Tangna!
"Asa ka pa! Nakakadiri ka." Sabi ko habang isinasara ang laptop na nasa harapan ko. "Gutom lang yan. Mabuti pa ay maglunch na tayo." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.
"Tayo?" Gulat niyang sabi. "Bro alam kong gwapo ako pero kung pati ikaw magkakag-"
"Kung ayaw mo edi bahala ka!" Ayoko ng marinig ang iba pa niyang sasabihin. Naglakad na ako papuntang pinto.
"Hey!" Habol niya sakin. Sakto namang pagbukas ko ng pinto ay si Ms.Rica ang nabungaran namin. "Hi Ms.Beautiful." Lumapit agad sa kanya si Raf.
"Hi din." Hiyang sagot ni Rica.
"Ahem!" Tikhim ko. Nakaharang kasi sila sa pinto kaya hindi ako makadaan.
"Ay sir!" Napansin din agad ni Rica na aalis ako kaya agad siyang pumasok since nasa loob ang desk niya.
"Bro dito na lang ako." Nag init na talaga ang ulo ko sa sinabi niya kaya hindi na ako nakatiis.
"No!" Hinawakan ko agad ang kwelyo ng suot niyang red polo na bagay na bagay sa kanya saka siya hinila palabas. Tinignan ko si Rica na nangingiti na lang sa tinuran ko. "Cancel all my meetings today." Tuluyan na akong lumabas ng opisina ko habang hila-hila ko si Raf.
----
RAF'S POV
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Sigaw ko sa kanya habang pilit na kinakalas yung pagkakahawak niya sa damit kong nalukot na ata.
Binitawan naman din niya agad ako ng nasa parking lot na kami. "Ikaw ang problema ko!" Ako? Ano nanaman ang ginawa ko sa ulupong na'to?! O baka naman type niya rin si Ms.Rica? Napangisi naman agad ako sa naisip ko saka lumapit sa kanya at pilit na inakbayan siya. Mas matangkad kasi siya sakin.
"Bro, kung type mo rin si Ms.Rica ay ayos lang. Sayo na siya. Hindi yung nagkakaganyan ka."
Inalis niya yung braso kong nakaakbay sa kanya at lumakad papuntang sasakyan niya. May saltik talaga ang gagong 'yon. Napailing na lang ako habang tinitignan ang sasakyan niyang papaalis.
BINABASA MO ANG
Love You, Pare.
Historia CortaWhat if yung Pare ko ay mahal ko? Ayos lang kaya? Sana ... Oo.