JB'S POV
"YOW JOHNNY BRAVO!!" Here we go again.
"Wala si Rica. You can go now." Walang paglingon na sabi ko sa kanya.
"Bro baka nakakalimutan mo kung anong araw ngayon?" Napaangat naman ako dahil sa sinabi niya. Mukhang ibang rason ang sadya niya ngayon at hindi ang Sekretarya ko.
"Ano bang meron?" Walang pakialam kong pagtatanong din sa kanya. Nawala naman bigla ang ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi ko.
"Nothing Bro. Nevermind." Pagkasabi niya no'n ay tinalikuran na niya ako at umalis na.
-----
RAF'S POV
Tangna! Di naman siya pumapalya ni minsan pag dumadating ang araw na'to, ngayon lang ata at naiinis ako.
"Hi." Wika sa akin ni Rica na nakasalubong ko. Mukhang pabalik na siya sa loob ng opisina ni JB. Wala ako sa sarili kaya di ko na siya nasagot at nagtuloy-tuloy na lang na umalis. Wala ako sa mood para makipagtitigan sa kanya ngayon na siyang madalas naming ginagawa.
Kung alam ko lang na type niya rin pala si Rica ay hindi na sana ako nag-aksaya ng panahon para araw-araw na pumunta sa opisina niya para mangulit. Siguro hindi niya makakalimutan kung anong meron ngayon.
O baka naman sinadya niya lang na kalimutan dahil nakita niya akong nakikipaghalikan sa isang babae sa isang Bar. Hindi ko matandaan kung sino yung babaeng yon basta ang tanging alam ko lang ay naging fling niya 'to.
Siraulo siya kung gano'n kababaw ang dahilan niya para kalimutan ang birthday ko!
TANGNA NIYA!!!
BINABASA MO ANG
Love You, Pare.
Short StoryWhat if yung Pare ko ay mahal ko? Ayos lang kaya? Sana ... Oo.