JB'S POV
Pagkaalis ni Raf ay si Rica naman ang biglang pumasok.
"JB!! WHAT HAPPENED?!" Bungad niya sa akin.
"Shut up, Ate." Yeah. Ate ko ang secretary ko. May rason kung bakit siya ang secretary ko. Gusto ng magaling naming ama na pabantayan ako at si ate ang napili niyang gumawa no'n.
Isang sikat na model ang ate ko sa Paris at mas pinili niyang pumayag sa gusto ng ama namin dahil na rin sa kadahilanan na nagsasawa na rin daw siyang rumampa. -___-
Lumapit siya sa akin at walang pag iisip na hinila ang tenga ko.
"What the fuck! Aray! Aray!" Napatayo man ako sa pagkakaupo ko ay hawak pa rin niya ako sa tenga. Halos magkasing-tangkad lang kasi kaming dalawa.
"Who told you to act like that sa akin huh, BUNSO?" Isinigaw talaga niya sa tenga ko yung huling salitang binanggit niya.
"Fine! Lemme go and I'll explain!" Ang bigat talaga ng kamay niya pagdating sakin. Walang duda kung bakit siya ang kinuha ni Dad na magbabantay sakin.
Binitawan naman niya ako at humarap sa akin. "Explain!" She command.
Umupo ulit ako at humarap din sa kanya. "Ate hindi ko alam kung matatanggap niya ako."
"Matatanggap ka niya." Ate said.
"Mababaklaan sakin yun pag nalaman niya." Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Nakakainis. Bakit kasi sa kanya pa ako tinamaan?! Lintek naman oh!
"Pare mahal mo raw ako~" Bigla akong napatingin ng masama kay ate. She stop singing. "Haha. I'm sorry Bunso." Natatawa pa talaga siya sa kalagayan ko ngayon. "I'm just hahaha." Hindi na niya matapos ang sasabihin niya dahil pinagtatawanan niya ako.
"Ugh! Dafaq!" Naiinis na nga ako tapos ganito pa 'tong ate ko.
Biglang tumayo si Ate Rica at pumunta sa likod ko at yumakap sa akin. "Just be you, my dear brother." She kissed my cheeks after she said that and suddenly the door opened.
----
RAF'S POV
Napag isipan kong bumalik sa opisina ni JB para sapakin siya. Hindi ako makapaniwala na ganun kababaw ang rason niya para kalimutan ang birthday ko.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang nakayakap na si Rica at hinalikan pa nito si JB sa pisngi.
"RAF!" Biglang napatayo si JB at muntik ng matumba si Rica sa ginawa niya.
Napailing na lang ako habang muling humakbang para umalis sa lugar na 'yon.
"Tsk."
BINABASA MO ANG
Love You, Pare.
Short StoryWhat if yung Pare ko ay mahal ko? Ayos lang kaya? Sana ... Oo.