RAF'S POV
"Happy birthday to me." Matapos kong batiin yung sarili ko ay ininom ko yung huling laman ng bote ng alak na hawak ko.
I can't believe na dahil lang kay Rica ay kalilimutan niya yung birthday ko. Gago talaga.
"Bunso." Nandito ako sa kwarto ko at wala akong balak bumaba para humarap sa mga bisita namin. Si kuya Henric at kuya Van na ang kumatok kanina pero balewala lang sakin pero ngayon ay si Papa na.
"O-opo. Nagbibihis lang po ako." Pagsisinugaling ko. Sobrang gulo ng kwarto ko at maging ako.
"Bilisan mo Raf." Boom! Tinawag na ako ni Papa sa pangalan ko. Warning sound na 'yon.
"I will, Papa." Narinig ko na lang ang paglakad niya palayo sa kwarto ko. Napabuntong hininga na lang ako bago nagtungo sa banyo.
Matapos kong maligo at magbihis ay napatingin na lang ako sa salamin na nasa harap ko.
"Shit!" Natutop ko na lang ang noo ko bago lumabas ng kwarto ko.
Napapangiwi ako habang naglalakad paibaba sa hagdan ng aming bahay.
Kita ko sa ibaba si Papa at ang dalawang kuya ko na parehong inulan ng kakisigan at kagwapuhan. Nando'n din ang halos lahat ng kaibigan ng tatlong nabanggit ko. Si Monic na Girlfriend ni Kuya Van at si Samantha na Girlfriend ni Kuya Henric ay nando'n din.
Ang mga katrabaho ko na sina Lexy, Krim, at Top ay nando'n din.
Nang malapit na ako sa ibaba ay nakita ko si Rica. Ayos lang naman na nando'n din siya pero ang nakakapagtaka ay kung bakit halos makuha na niya ang lahat ng atensyon ng mga camera man na nandito ngayon. And sino yung kasama niya? Akala ko ba ...
"Raf." Isang boses ang tumawag sa akin.
"J-JB?" Akala ko ba ay nakalimutan niya?
Inilahad niya ang mga kamay niya sa akin.
"Happy Birthday My Raf." Ngumiti siya sa akin matapos niya akong batiin pero hindi ko pa rin inaabot ang kamay niya.
"Bakit nandito ka?" Nawala ang mga ngiti sa labi niya. "Akala ko ba ay nakalimutan mo ang birthday ko at kung sino ka sa araw na'to ngayon?!" Naiinis ako sa kanya.
Napatayo siya ng maayos at nagkamot ng batok. Lumingon-lingon siya at tila may hinahanap.
Biglang huminto ang paningin niya sa isang babae.
Si Rica.
He sighed first then he speak.
"Ate."
What?!
Biglang lumapit sa kanya si Rica at humalik sa kanyang pisngi. "Yes, BUNSO?" idiniin niya yung pagkakasabi ng 'Bunso' na parang sinasabi niya sakin na 'Kapatid ko yan oy!'
Humarap naman sakin si JB at nagsalita. "Raf, meet my sister, Rica." Nagkakamot pa rin siya ng batok habang sinasabi niya 'yon.
"Eww!" Biglang sabi ni Rica. "Naligo ka ba Brix?! Bakit kamot ka ng kamot dyan? Kumilos kana!" Pinandilatan pa niya ng mata si JB. Di ko tuloy maiwasan ang di mangiti and at the same time ay mahiya.
Ate pala niya yung babaeng type ko 'kuno'. Pinilit ko pa si Tito Mike na payagan akong bisitahin palagi si JB sa office niya. Masyado akong makulit kaya walang nagawa sa akin si Tito Mike kundi ang payagan ako.
BINABASA MO ANG
Love You, Pare.
Short StoryWhat if yung Pare ko ay mahal ko? Ayos lang kaya? Sana ... Oo.