Mahal na mahal namin ang isa't isa at nang panahon na inaya niya akong magpakasal ay walang pakundangan akong yumakap sa kanya at sumagot.
"I will! Yes! Yes! I doooo!" Naiiyak na natatawa ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya.
"I love you." He whispered.
"The more you do, the most I did, JB." I dunno kung saan ko nakuha yung sinabi ko sa kanya basta bigla na lang lumabas yun sa bibig ko. Nasobrahan ata ako ng saya't galak kaya nasobrahan din ako ng ka-sweetan.
Masaya na sana lahat. Masayang masaya.
Nang mga oras na naglalakad ako sa aisle palapit sa lalakeng pinakamamahal ko ay siya ring paglayo ng lahat ng pangarap ko sa akin.
Narating ko ang harap ng simbahan na puno ng luha ang mga mata ko.
"Baby what's wrong?" He asked ng makitang umiiyak ako.
"W-wala. I'm just happy." Pilit akong ngumiti sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. "I love you, mahal ko. Mahal na mahal kita remember that, JB." I saw his face, giving me a 'what's-that-for looked?', muli akong ngumiti sa kanya at sa huling sandali bago ko gawin ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko ay tinawid ko muna ang mga labi niyang naghihintay ng sagot sa mga inaasal ko sa harap niya at ng lahat ng mga taong nagmamahal sa amin.
He kissed me back and so I deepened the kiss na mismong ako na mismo ang humawak sa batok niya para mas lumalim pa 'yon. Natatakot akong matapos ang sandaling 'yon. Natatakot ako na sa paghihiwalay ng magkalapat naming mga labi ay ang tuluyang pagkawala ng lahat sa akin. Natatakot ako sa lahat pero dumating din ang kinatatakutan kong iyon.
Bago ako bumitaw sa halik namin ay ngumiti ako sa pagitan ng mga labi namin na magkadikit pa rin. Umaagos man ang mga luha sa mata ko ay kitang kita ko pa rin ang pagtataka sa mga mata niya. Muli kong sinabi ang tatlong salita na hindi ko alam kung masasabi ko pang muli sa kanya.
"I love you."
Rinig na rinig ko pa rin ang pagtawag niya sa akin habang patakbong umalis sa lugar na 'yon.
It's been two years since I left him.
Wala na akong balita sa kanya simula ng iwan ko ang pangarap ko.
Si JB.
Ang lalakeng mahal na mahal ko.
Ang lalakeng pangarap ko.
Si JB.
Siya lang.
---
"Ice!! Please naman! Inumin mo na ang mga gamot mo!" Alam kong nahihirapan na rin si Cloe sa kalagayan ko. Ramdam at kita ko yun sa mga mata niyang umiiyak na ngayon ng dahil sa akin.
"Friendship." Pinahid ko ang mga luha sa mata niya at pilit na nagpakita ng ngiti sa kanya. "T-thank you so much." Mas lalong namasa ang mga mata niya.
"Don't say that Icelyn!" Yan. Pag ganyan siya, alam kong galit na yan. Tinawag na ako sa buong pangalan ko eh. "Hindi pa pwede Ice! Hindi pa pwede! Please ... L-lumaban ka muna."
Naguguluhan akong bumangon sa kama niya sanhi para mahulog ang wig na suot ko. Mas lalo siyang humagulgol ng makita niya ang hitsura ko.
"Cloe ... Tahan na." Namamasa na rin ang mga mata ko at mas lalo akong nanghina ng mapadako ang tingin ko sa repleksyon ko sa salamin.
Napansin naman ni Cloe kung saan ako nakatingin kaya agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"You're still the woman he will always love, Ice."
Napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya na siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto kung nasaan kami ni Cloe.
Mas lalong umulan ng luha ang mga mata ko.
"J-joseph."
BINABASA MO ANG
Love of Icelyn
Short StoryPagmahal mo, sasaya ka. Sasaya ka para sa taong mahal mo. Iba man ang sinasabi't pinapakita ng realidad sayo, dapat na sumaya ka. Yan ang dapat. Upang sumaya SIYA.