A/N: Hanggang limang chapters lang po ito. Salamat sa mga nagbabasa kung meron man. :)
----
Nasa rooftop ako ng bahay ni Cloe. Nakatitig sa mga bituin sa langit. "Malapit ko na kayong makasama." Napangiti ako ng mapait sa aking tinuran.
Suot ko ang isang long curly wig na binili ni Cloe sa akin. Nang malaman kong may Cancer ako ay nawalan na ako ng lakas ng loob na lumaban sa buhay. Inherited ang sakit ko. Nasa dugo na ng pamilya namin ang Cancer. Namatay ang tita ko sa Lung Cancer, ang pinsan ko at maging si Mama ay sa Breast Cancer, at ngayon ay ako naman.
Sinubukan ko ng magpagamot ngunit malala na talaga ang sakit ko. Ayaw na rin tanggapin ng katawan ko ang bawat gamot na iniinom at itinuturok sa akin. Ang laki ng ipinagbago ng katawan ko. Parehong wala na ang mga dibdib ko na dating siyang ipinagmamalaki ko sa lalakeng yun. Ang balat kong makinis noon na halos di ko na gustong titigan ngayon. Ang laki na rin ng ipinayat ko.
Paano pa niya ako mamahalin kung ganito na ang hitsura ko?
Biglang may tumunog mula sa likuran ko. Bumukas ang pinto.
Isang lalake ang nakita kong nakatayo sa harapan ko ngayon. Suot ang isang tshirt na katulad ng sa akin.
A couple shirt.
Kulay skyblue na tshirt ang suot ko na may nakalagay na arrow na nakaturo sa kaliwang bahagi at may nakasulat na 'My life'.
Sa kanya naman ay may nakalagay na arrow na nakaturo sa kanang bahagi at sa ibaba nito ay may nalagay na 'My World'
Naalala ko pa ng unang beses namin 'tong isuot.
"Bakit 'My Life'?" Tanong niya sa akin habang nakaharap sa salamin kung saan pareho naming nakikita ang buong repleksyon ng isa't isa.
"Why you asked such question na malinaw pa sa tubig ang sagot? " Pambabara ko sa kanya sabay irap pero nakagiti ako.
"Just answer me." Pumunta siya sa bandang likod ko at niyakap ako mula sa aking likuran. Isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko na ganun pa rin ang tingin sa salamin para magtama ang mga mata namin.
"I can't live without air, food, and everything I have right now, but most of that, this life of mine? It's useless without ..." Napatingin ako sa salamin. "You." Humarap ako sa kanya at niyakap siya. "JB, you are My Life." Naramdaman ko ang mga braso niyang yumakap din sa akin. Tiningala ko siya at nakita ko ang ngiti sa mga labi niya. "Eh ikaw? Bakit 'My World' yang pinalagay mo?" Balik kong tanong sa kanya but he just hug me again at di sumagot.
"Remember that day?" Narinig ko siyang nagsalita. "Nang tinanong mo ako kung anong ibig sabihin nito?" Sabay turo niya sa nakasulat sa damit na suot niya.
Bigla na lang pumatak ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya.
"What's the purpose of living if I don't have a world that worth to live for?" He walk towards me. "Why you need to take away my world?" Napatingala siya. I saw the pain in his eyes.
"J-joseph." Ibinaba niya ang kanyang paningin sa akin at nakita ko ang sobrang lungkot sa kanyang mga mata.
"My World."
Hindi ko na napigil ang lahat ng luhang nilalabanan kong wag ilabas. Kusa na silang nalaglag at tulad ng dagat, wala itong katapusan.
"Alam mong ayokong nakikita kang umiiyak, diba?" He wipe my tears using his gorgeous hands na sobrang namiss ko. "Panget kana nga sa paningin ko tapos mas lalo mo pang pinapapanget yang mukha mo." He said na imbis na mainis ako ay siya namang ikinangiti ko.
BINABASA MO ANG
Love of Icelyn
Short StoryPagmahal mo, sasaya ka. Sasaya ka para sa taong mahal mo. Iba man ang sinasabi't pinapakita ng realidad sayo, dapat na sumaya ka. Yan ang dapat. Upang sumaya SIYA.