SINGKO

7 2 0
                                    

A/N: Ito na po ang last kaya sana magustuhan niyo. Thank you po ulit sa lahat ng nagbasa. :)

---

CLOE'S POV



"TIMOTHY MADRIGAL!!!" Sigaw ko sa asawa kong daig pa ang pagong kung kumilos pero mabilis pa sa kabayo kung kumayod sa ibabaw ng kama.




"I'M COMING!" Sigaw rin niya mula sa itaas.



Nagmamadali itong bumaba sa hagdan habang may kausap sa cellphone niya.



"Yeah dude. We're on the way." Sinungaling talaga 'tong kulugo na'to. Ibinaba niya rin agad ang cellphone niya ng matapos ang pag uusap nila ni JB. Alam kong si JB yun.



"Sinungaling ka talagang kumag ka." Pinandilatan ko siya ng mata paglapit niya sa akin.



"Sinabi ko lang yun dahil kanina pa daw nangungulit si Icey sa kanila at hinahanap daw ako." Naglakad na kami papasok sa sasakyan niya.




Napanguso agad ako. "What's wrong with that young lady? Sa akin siya dapat close at hindi sayo. I hate it!" Nakita ko naman na napangiti si Timothy habang papalabas na sa gate namin ang sasakyan niya.




"Hey Babe, don't tell me na pati si Icey na inaanak natin ay pagseselosan mo sa akin? Masyado na ba talaga akong gwapo para magkaganyan ka?" Napatawa naman ako ng pagak sabay harap sa kanya na nagmamaneho na ngayon.




"Mukha kang kulogo sabi ni Ice! Hindi ko nga alam kung bakit pinatulan at pinakasalan kita eh. Mukha ka naman daw hindi naliligo at palaging magulo ang buhok mo!" Bigla akong natahimik matapos kong sabihin 'yon.



"Hey!" Ginagap niya agad ang kaliwang kamay ko kahit abala siya sa pagmamaneho. "Don't cry at baka mas lalo kitang ipagpalit kay Icey." Inalis ko agad ang kamay niya sa mga kamay ko at humalukipkip sa gilid at nanahimik.




Alam ko naman na pinapagaan lang niya ang loob ko. I'm so thankful to this man na nasa gilid ko dahil hindi lang pala ako ang nahirapan ng tuluyang mawala sa amin si Ice. Maging siya ay ganun din.



Tumigil ang sinasakyan namin sa isang lugar kung saan ipagdidiwang namin ang 7th birthday ni Icey.




'HEAVEN'S PLACE'



Naglakad na kami papasok matapos kong basahin ang pangalan ng lugar kung nasaan kami ngayon.



Agad na sumalubong sa amin ang nakangiting anghel na si Icey.



"Ninang! Ninong!" Pumantay kami sa kanya at sabay namin siyang hinalikan ni Timothy sa magkabilang pisngi.



"Hi to our Princess." Saad ni Timothy.



"Hello King and Queen Madrigal." Ngiting sambit niya.



Naluluha nanaman ako habang nakatingin sa mga inosente niyang mukha. Napalingon siya sa akin.



"Ninang Queen bakit ka umiiyak?" Napalingon na rin sa akin si Timothy.



"Nothing Princess, Halina kayo at baka naiinip na yung tatlo do'n." Napangiti na lang ako ng di na nangulit si Icey sa inasal ko.



"Dude!" Nagtanguan ang dalawa at ako naman ay lumapit kay Selyn.



"Kamusta ka?" Salubong sa akin ni Selyn. Nine months na kasi akong buntis sa unang anak namin ni Timothy.



Love of IcelynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon