Malabong Mata (OS)

17 0 0
                                    

"Akin na nga yan!"

"Ayoko nga. Bleh! :p" Sabi ko sabay takbo. Haha. Ako nga pala si Lein. Yung humahabol sakin? Si Neil yun, kinuha ko kasi yung salamin niya.

"Sa wakas! Akin na nga" sabi niya habang ang sama ng tangin sakin.

"Ang labo labi kasi ng mata. Ayan tuloy nahihirapan ka pagwalang salamin. Hahahaha" Ang sama ko lang. Actually, crush ko talaga sya. Ang ganda kasi ng mata niya. Hindi mo lang maappreciate kasi nakasalamin kaya lagi kong kinukuha.

**
Busy ako sa pagtetext ng may makabangga sakin. "Ouch ah"

"S-sorry" Oh. Si Neil my labs pala.

"Tsk. Labo labo kasi ng mata ei" Yun pala hindi niya kasi suot yung salamin. "Asan salamin mo?" Tanong ko.

"T-tinago ko. Kukunin mo naman ei" sabi niya tas biglang tumakbo. Hinayaan ko na lang. Hmph.

Pumasok na ko sa klase. Mamaya dumating na din siya. Nagkatitigan kami mga 3 seconds tas nag-iwas siya. Hindi ko sigurado kung ako yung tinitingnan malabo mata eh. Hahahaha! Sus kinikilig ka lang ei sabi ng isip ko. Shut up.

Kinausap niya yung katabi niya. Tawa pa siya ng tawa. Ang ganda ng ngiti niya. Kaya lang yung kaklase naming maganda yung nginingitian niya. Hindi ako.

Lumipas yung araw hindi ko na siya kinukulit. Mas naging close pa nga sila nung kaklase naming maganda. Ako naman dinadaldal na lang itong katabi ko para hindi nila mahalata na nalulungkot ako. Nagseselos kasi ako.

**
Uwian na. Hinihintay kong lumabas si crush pero ang tagal niya sa classroom ha. Ilolock ko kasi yung pinto.

"Ano ba?! Kanina ka pa dyan ah. Kelan mo balak umuwi? Maglolock pa kaya ako ng pinto." Sabi ko ng medyo naiirita.

"Saglit lang. Hindi ko mahanap yung ipapasa ko kay ma'am" sabi niya habang hanap pa din ng hanap.

"Tss. Ayun oh. Nakalagay sa unahan ng bag mo. Tss. Ang labo talaga ng mata." Sabi ko sabay abot ng papel. Nagdampi yung kamay namin. Kinikilig akoooo! Dapat hindi ipahalata. "A-ano na? D-di ka pa aalis?"

"Aalis na nga oh. Asan na ba kasi yung bag ko?" Hanap hanap na naman siya.

"Oh. Ano ba naman yan? Ang labo talaga ng mata. Tsk" Inabot ko na yung bag niya. "Tiga-abot na lang ba ako sa buhay mo? Asan na yung babae mong maganda?" Hays.

Biglang sumeryoso yung mukha niya. Lagot. Narinig ata.

"Lein."
"A-ano?" Kinakabahan ako. Nagalit ba sya? "J-joke lang naman yun." Sabi ko habang nakayuko.

*sighs* "Lein. Malabo man ang mata ko.






Malinaw namn na ikaw ang tinitibok ng puso ko."

Malabong Mata (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon