A/N Wahhhhhh salamat po kung may magbabasa man! :))) Sana po magsama-sama tayo hanggang dulo! Hehez ito na po.
Chapter One
Gwyneth's POV
"Tulong! Tulungan niyo po kami, parang awa niyo na!" gamit ang natitirang lakas ay pilit isinisigaw ng bata ang mga salitang iyon.
Tagaktak ang pawis at may bahid ng dugo ang kaniyang mga damit ngunit tila ba hindi ito alintana pagkat nakatuon ang kaniyang atensyon sa isang lalaki at sa babaeng hawak-hawak nito ngayon sa kaniyang buhok.
"Tulungan niyo po kami!" sigaw parin ito nang sigaw ngunit bakit parang walang pumapansin sa kaniya? Bakit walang tumutulong? Gusto kong lumapit, gusto kong tulungan yung bata at yung babaeng iniiyakan niya ngunit natatakot ako doon sa lalaki.
Nanginginig na ang kaniyang mga labi habang lumalandas sa magkabilang pisngi ang maiinit na luhang humalo na sa dugo.
Halos mawalan na siya ng malay dahil na rin siguro sa labis na panghihina at matinding pagkahilo.
"Huwag! Huwag!" pinilit niyang humabol pero mukhang hindi na talaga kaya pa.
Hindi ko maintindihan ngunit para bang may kung anong mabigat sa dibdib ko at sa aking buong katawan dahil sa mga nasasaksihan ko ngayon.
Parang awa mo na... Tigilan mo na sila, ang mga salitang gusto kong isigaw ngayon.
Nakita ko namang naglabas 'yung lalaki ng isang patalim, biglang akong pinanlakihan ng mga mata at naalarma ang buo kong sistema dahil sa pagkinang nito sa madilim na gabi.
"Huwag!" nagkasabay pa naming sigaw nung bata.
Na naging dahilan pa upang mas maubos ang kaniyang lakas at tuluyan nang bumagsak sa sahig habang pilit paring binubuksan ang mga luhaang mata. Shit!
Napa-atras ako, hindi ko na alam pa ang kahihinatnan nito. Patuloy ang panginginig ng mga kamay ko at kasabay nga nang pagtulo ng aking mga luha ay nakarinig ako ng pagbasag ng mga bote, mga sigawan, palahaw at...
Agad akong napadilat mula nanaman sa masamang panaginip na iyon, mabilis akong umupo sa aking kama na naging dahilan para sa biglaang pagsakit ulo ko, hinawakan ko ito at pumikit ng mariin.
"Urrgh," angal ko dahil sa sakit.
"Pesteng mga panaginip na 'to." bulong ko sa aking sarili at inis na tinali ang aking buhok. Kailangan kong uminom ng tubig para mahimasmasan ako.
Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit ba lagi ko nalang napapanaginipan iyon? Sino 'yung bata? 'Yung babae at lalaki na pinapanuod nito? At bakit laging hindi natutuloy ang panaginip kong iyon? Lagi nalang akong nagigising matapos maglabas nung lalaki ng patalim.

BINABASA MO ANG
Mayhem In The Trance
Mystery / ThrillerSometimes, people tend to prefer dreaming out loud than being stuck in a harsh reality and having to face it. But for Gwyneth, unlike them, her dreams become the source of terror and death. Are all of these just made up in her head? What must she d...