-siyam-

36 0 0
                                    

Nakahiga ako sa napakalambot kong kama, suot ko ang napaka-preskong night dress habang hawak ko ang mamahalin kong celfon. Tinignan ko ang malaking clock sa colorful kong wall, malapit na palang magmadaling-araw pero hindi ako makatulog.

Teka bakit ba lahat nalang binigyan ko ng adjective?

Eh masaya ako eh! Hihihi!

Pagkauwi ko kasi tinext niya ko ng ganito: “ This day is our anniversary. From now on you’re officially my girlfriend”

Maikli lang ang message. Walang pa-sweet tulad ng ‘I love you’ o ‘gudnyt’. Pero to the highest level ang saya ko. Shocks, inlove pa rin yata ako sa kanya.

Pero wala akong ‘K’ as in Karapatan na magdemand ng something sweet sa kanya kasi “pretend” lang naman lahat ng ito.

Biglang nag-ring ang fon ko. Tinignan ko muna ang screen hoping na si Xander ang tumatawag.

Wait, eh bakit naman niya ako tatawagan?

Unknown ang number. So, hindi si Xander kasi kanina nag-exchange na kami ng cp nos.

“Hello, sino’to?”

“BFF, hiniram ko lang celfon ng maid namin. N-nakita mo ba si, si, si S-Speed sa school kanina?” nauutal pa siya nung sinabi niya ang name ni Sky,

“Yup. Sabi niya sabihin ko daw sa’yo na sorry. Bakit ka nga pala na-grounded?”

“ BFF, kasi ganito yun…….”

Flashback – POV of Lee

Pag-uwi ko sa bahay galing sa practice ko sa taekwando. ( yup I am a black belter! Pero 100 percent na babae po ako) nadatnan ko si mommy at daddy sa living room may kausap na mag-asawa. Mukhang bigtime dahil alam ko pag-VIP ang guest nila. Bukod kasi sa maraming body guards sa labas ng gate, abala din ang mga maids namin sa paghahanda ng food. Kumiss ako sa kanila at ipinakilala ako sa mag-asawa namely Mr. and Mrs. Zobelle. Magalang ko naman silang binati at nagpaalam ako agad sa kanila.

Mayaman pala talaga ang bisita nila dad. Zobelle eh. Tsaka ang alam ko sila yung dream ni dad na maka-merge ng kumpanya namin.

Pagpasok ko room ko dali-dali kong hinubad ang damit ko. Pero hindi ako nagtanggal ng undies. Sanay naman ako na walang papasok sa kwarto ko unless may kumatok. Kaya nahiga muna ko sa kama ko. Wag kayong madiri hindi naman ako pawisan, nag- quick shower naman ako after ng practice namin. Pero iba syempre yung ligo sa sariling banyo. Relax na relax akong nakahiga ng biglang bumukas ang pintuan ng bathroom ko. Isang nakatungo na lalaki……

At ang initial reaction ko sa sobrang gulat…….wag na kayong magtaka. Alam na……

Eh di ginawa ko yung famous flying kick ko. Ayun napaupo siya. Pero laging gulat ko lalo ng tumayo siya, lahat ng nakatikim ng flying kick ko sigurado tulog eh bakit ‘tong isang ito saglit lang nakabawi na ulit?

Pagtayo niya, tinignan niya ko magmula ulo hanggang paa. Pero mas nagtagal sa may bandang dibdib ko. Ang manyak! Oo nga pala naka-undies lang ako.

“SPEED?!”

“FRIEND NI YUKI?!”

Sabay pa kaming sumigaw. Tignan mo nga naman alam na alam ko name niya, tapos ako friend ni Yuki ang tawag niya sa’kin?

“A-ah magbihis ka muna,” tapos medyo tumalikod siya,

May pagka-gentle dog din naman pala. So nagbihis muna ko at isang pantulog na Winnie the pooh ang nahagilap ko sa kakamadali.

My Dreamboy, My NightmareDonde viven las historias. Descúbrelo ahora