Chapter Two
Gwyneth's POV
Halos isang linggo narin ang nakalipas matapos kong mapanaginipan ang lalaking may hawak na puting plauta nung gabing iyon. Hindi ko na masyadong pinagtuunan pa ng pansin ito dahil kahit anong isip ko eh wala naman akong mapagtanto.
Sa ngayon ay alas sais imedya na 'ko nakauwi ng bahay galing sa school dahil may PE kami ngayon at halos dalawang oras lang kaming nasa field. Grabeeee pagod na pagod talaga ako, kasi naman, ganito talaga kapag nauunat 'yung katawan ko isang beses sa isang linggo dahil sa subject na 'to.
'Di ko alam pero parang buong araw akong nagtatakbo at babad sa ilalim ng araw kapag ganun maski 2 hours lang naman. Buti nalang at Friday ngayon, TGIF! Yes! Matutulog agad ako.
Nasa gate palang ako ng bahay namin ay rinig na rinig ko na ang balita dahil sa lakas ng volume ng TV namin sa loob. Malinaw na malinaw sa'kin ang mga naririnig ko dahil sa lakas nito at agad-agad akong kumaripas ng takbo paloob ng bahay para sa mga detalye.
"Salamat naman anak at nakauwi ka na! Makinig ka sa balita dali, t-taga-diyan lang 'yan malapit sa atin 'di ba Gwen? 'Y-yung may ari ng paupahan diyan sa kabilang street, pero dito lang din sa subdivision natin, 'di ba? Namatay daw kagabi, g-grabe anak, 'yung sinapit niya....hindi tao ang gumawa niyan!" bakas sa tono ni Mommy ang sobrang takot at pag-aalala dahil sa utal-utal niyang pananalita.
Hindi ko rin siya masisi dahil kilala namin sa mukha ang kawawang matandang lalaking ito dahil taga-rito lang din siya sa may sa amin. Minsan na ring nakapunta iyon sa amin at nago-offer ng available unit sa kanyang apartment, mabait naman kahit papaano.
Hay, scary naman this world brrr.
Napaiwas ako ng tingin sa TV nang ipakita ang kanyang walang buhay na katawan at kahit na ba ito'y naka-black and white ay napaka-visual pa rin ng itsura, ni hindi man lang censored at kahit na ba'y split second lang itong pinakita ay....sobra.
Puro dugo, puro dugo ang paligid. Ni hindi ko na yata kayang kumain, at gaya ng sinabi ni Mommy ay hindi tao ang gumawa nito sa kanya. Grabe....nakaka, nakakaawa.
Bigla akong pinanlamigan at kung drained na 'ko dahil sa ginawa namin kanina ay mas lalo akong tinakasan ng aking lakas nang maalala ko 'yung napaginipan ko kagabi. Parang natakot ako bigla para sa seguridad namin, kasi naman sa lugar lang namin ito oh!
Papa Jesus, huhu lagi niyo po kaming iingatan!
Bumuntong hininga ako at parang wala sa wisyong nagdire-diretso patungo sa aking kwarto. Agad akong napaupo sa aking kama at pinikit ng mariin ang aking mga mata. Hindi ako mapakali, kasi... kasi...
Teka shit hindi talaga eh? Paano? Hindi talaga pupwede eh! Imposible, imposibleng mangyari 'yon. Nagkataon lang, nagkataon lang naman siguro! 'Di ba?
Hindi ko na pinansin pa ang namumuong pagkalito sa aking buong pagkatao at napagdesisyunan na lamang matulog.

BINABASA MO ANG
Mayhem In The Trance
Mystery / ThrillerSometimes, people tend to prefer dreaming out loud than being stuck in a harsh reality and having to face it. But for Gwyneth, unlike them, her dreams become the source of terror and death. Are all of these just made up in her head? What must she d...