Copyright © Night_Rielle, 2019
CHAPTER FOUR:
Mula sa peripheral vision ko ay sikreto kong tinitingnan si Taehyung sa tabi ko. Tahimik lang siyang nakikinig sa teacher namin ngayon sa harap habang panaka-nakang nagsusulat ng notes sa notebook niya.
Mahabaging langit!
May kababalaghang nagaganap ngayon.
Ang normal na Teahyung ay hindi makikinig sa klase at sa halip na mag-take down ng notes ay mas pipiliin pa nitong daldalin ako o kaya mag-doodle sa likod ng notebook ko. Kanina pa may mali sa kanya eh. Kahit kanina noong pinuntahan niya ako sa bahay at ibraid ako, hanggang pagpunta namin ngayon sa school, saksakan siya ng tahimik. Tipong magsasalita lang kapag kakausapin ko. Tapos ang dalas pang matulala na parang may malalim na iniisip.
Ano kayang problema niya?
Sa sobrang bothered ko ay halos wala akong naintindihan sa dinidiscuss ng teacher ko. Para matahimik ang kaluluwa ko ay kinuha ko ang notebook ko at nilipat ito sa pinakahuling pahina.
May problema ka ba, Boks? sulat ko sa papel. Pasimple ko itong inabot sa kanya habang nagkukunwari akong nakaharap sa teacher at nakikinig. Nalipat agad ang tingin niya doon. Napatingin muna siya sa akin bago kuhanin ito at magsulat. Hinintay ko lang siya hanggang sa iabot niya ulit sa akin ito.
Wala. Huwag mo akong intindihin. Makinig ka na lang, basa ko sa sinulat niya.
Nakagat ko ang loob ng pisngi ko. Napailing ako bago magsulat muli doon.
Kapag hindi mo sa ‘kin sinabi, tatayo ako dito at sisigaw ng, “Boks nanunuod ka ng porn?”
I smirked when I saw his face blush. Umiigting ang panga niya bago muling magsulat doon.
As if kaya mo.
Ah. Sinusubukan ako ng lalaking ‘to ah.
Niligpit ko na ‘yung notebook at iba ko pang gamit. Nagtataka namang nakatingin sa akin si Taehyung. Akala niya huh? Nang maligpit ko na lahat ay tumikhim muna ako bago gawin ang pinaplano ko.
“ANO BOKS? NANUNUOD KA NG PORN KAGABI TAPOS NAHULI KA NI TITA SUNYI?” malakas na sigaw ko sa buong classroom sabay tayo pa para agaw pansin.
I almost heard everbody let out a gasp. Pati ‘yung teacher namin sa harapan ay napatigil din sa dinidiscuss niya. Nilingon ko si Taehyung ngayon. Gusto kong bumunghalit ng tawa nang makita ‘yung grim expression niya. Pulang-pula ang mukha at hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o inis sa akin.
Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko pero wala na akong pakialam.
“Ms. Dallanes and Mr. Kim, I do not tolerate this kind of improper conversation inside my room. Get out of this room. Now!” nanggagalaiting sigaw ng teacher sa aming dalawa.
Para namang walang narinig si Taehyung at blangko lang na nakatingin sa akin. Hindi pa rin siguro makapaniwala na kaya kong gawin ‘yun. Siya, eh. Wala yatang bilib sa akin ‘to eh.
“Huy, Boks. Tara labas na tayo.” Ako pa ang humila sa kanya pati nagdala ng mga gamit niya palabas. Bago tuluyang makalabas ng pinto ay nilingon ko pa ‘yung teacher na kasalukuyang masama ang tingin sa aming dalawa. “Pasensya na po Ma’am. Ang mga kabataan po kasi talaga ngayon. You know, war of hormones. Hehe,” sabay alis ko nang makitang umambang babatuhin ako ng chalk ni Ma’am. Napahagikgik na lang ako.
“Lumuwag na talaga yata turnilyo sa utak mo,” Taehyung harshly stated as we walked out of our bulding.
Hinampas ko ‘yo sa balikat niya. “Grabe ka ah!”
BINABASA MO ANG
Owned by a Jerk || Kim Taehyung
Teen FictionKim Taehyung and Alyx Dallanes are the best of friends. They both grew with the companion of each other. They're the usual best friends you would see running in the hallways, hand in hand and both giggling. As they both step to their senior year, un...