CHTHONIA : World of the Dead

7 0 0
                                    


AILENE

Ilang taon na ba ang nakalipas? Hindi ko na matandaan. Kamusta na kaya sina inay at itay? Sina Alisa at Arnel? Kailan ba nung huli ko silang mayakap? Napakatagal na. Nakakalungkot man isipin ang nangyari sa pamilya namin, hindi ko magawang magalit sa kanila.

"Panginoon, alam ko pong wala akong karapatang tumawag sa inyo dahil sa kinalalagyan ko ngayon, pero parang awa nyo na po. Iligtas nyo ang aking anak sa malupit na kampon ng kadiliman. Iyon lang po ang tanging magagawa ko para sa kanya--"

"HOY, BABAE!"

Isang dumadagundong na tinig ang nagpatigil sa aking pananalangin. Napakasakit sa tenga. Hindi ko mawari kung ano ang dapat kong maramdaman. Alam kong galit sya dahil nararamdaman nya ang epekto ng pagtawag ko sa Diyos. Pero hindi ko maaring ipakita na takot ako sa kanya. Hindi sya ang Diyos.

"ILANG ULIT KO BANG SASABIHIN SAYO NA WAG MONG BABANGGITIN O IISIPIN ANG MGA SALITA NA IYON!"

Hindi ko man sya nakikita, alam kong palapit na sya sa akin. Malapit na sya sa pinagkulungan nya sa akin. Gusto ko mang lumaya, hindi ko din naman alam kung buhay pa ba ako para sa mga taong naiwan ko.

"BAKIT BA HINDI MO KO SINUSUNOD!"

Bumuntong-hininga sya. Pinipigilan nya na naman ang kanyang sarili. Marahil ay alam nya na. Kung paano? Iyon ang hindi ko alam. At wala na akong pakialam pa.

Ang kaninang mga yabag palapit sa akin ay biglang huminto. Ang dumadagundong nyang tinig ay nawala. Hindi ko na nararamdaman ang kilabot na hatid ng kanyang presensya. Hindi maikakailang napakalakas nya.

Sa tagal ko dito, nalaman at napag-aralan ko kung paano NYA manipulahin ang mga tao. Kung paano NYA nailalapit ang tukso sa sarili nyang paraan. Akala ng iba ay nagkataon lamang pero alam ko kung bakit nangyari at nangyayari ang mga krimen.

At alam ko na din ngayon na hindi nagkataon na nagsabay-sabay ang dagok sa buhay ng aming pamilya. Sinadya NYA iyon. Sinadya nyang gipitin ang isang lalaki upang mapilitan itong magnakaw. Sinadya nyang mapa-daan ang lalaking iyon sa pinagtatrabahuan ni inay. SIYA din ang nag-udyok kay inay na manlaban, dahilan kaya sya nasaksak at nag-agaw buhay. SIYA din ang may gawa ng sabay na pagkakasakit ng dalawa kong kapatid. Sinadya lahat iyon upang gipitin si itay upang tumawag at humingi ng tulong sa kahit na sinong makapag-sasalba sa buhay ng pamilya namin.

Gusto ko mang magalit kay itay sa pakikipag-kasundo nya, ay hindi ko magawa. Para sa pamilya ang ginawa nya. Ganun na din siguro ang gagawin ko kung ako naman ang nasa katayuan ni itay.

Ibinigay nya ako sa anak ni Lucifer, kapalit ng buhay ng mga kapatid ko at ni inay.

-------------

"Isang ire pa, Ailene. Sige na. Kaya mo yan."

Sa wakas, ipapanganak ko na ang aking anak. Hindi ako maaring manganak sa kung saan dahil napaka-delikado. Unang beses ko itong manganganak kaya sa ospital ako ipinadala. May pakiramdam din pala ang demonyo. At ngayong nasa lupa na kami, makakagawa na ako ng paraan upang mailigtas ang anak ko.

"Babae! Babae ang anak mo Ailene."

Kahit nanghihina, ay nagawa kong itaas ang aking kamay upang kunin ang sanggol. May anak na ako itay, inay. At napaka-ganda nya. Kahit may mga dugo pa ang kanyang katawan ay halatang maganda ang kutis ng aking anak.

"Ano ang magiging pangalan nya Ailene?"

"Akemi," nakangiti kong tugon habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng aking anak. Kinakabisa upang sa aking paggising ay malaman ko agad ang hitsura ng tunay kong Akemi.

Kinuha na nila ang anak ko pagkaraan ng ilang minuto kong pagyakap sa kanya. Kailangan na daw syang linisan. Ako naman ay nakatulog na din dahil sa pagod.

-------------

Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. Kinuha daw ang aking anak at sinunog sya nang buhay. Hanggang sa aking paggising ay humahagulgol ako. Agad namang lumapit sa akin ang napakabait na nars. Siya ang nakikipag-usap sa akin habang ako ay nanganganak. Isa daw sya sa mga kaklase ni Arnel.

Ganun na pala katagal. Elementarya pa lang sila nung huli akong nakakita ng tao. At dahil ramdam ko ang kabaitan ng nars na nasa harapan ko, uumpisahan ko na ang plano ko ngayon din.

*******

Comment or simply vote.
-Aki-RED-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHTHONIA : Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon