Chapter 14: Box

851 13 6
                                    

<LEAN'S POV>

Ang aga ko namang nagising ngayon. Ano bang sumapi sakin at inunahan ko pa ang alarm ko ng 30 minutes? 

Naka-assign kasi na chef this week ay si Kevin. Tulog pa siya kaya ako nalang muna magluluto ngayon. Nagugutom na ko. Ano bang pwedeng lutuin? Si Kevin naman kasi ang maraming alam sa mga recipes eh. Mga basic lang sakin.

Scrambled eggs nalang tsaka bacon.

Bago ako lumabas ng kwarto, pinuntahan ko muna yung cabinet sa tabi ng kama ko. Binuksan ko yung maliit kong box at inilabas ang broken heart shaped na bato. Remember niyo pa ba yun?

Mga ilang minuto, itinago ko rin agad 'to sa cabinet at pumunta na sa kusina para makapagluto na.

Habang nagluluto ako, nag-vibrate bigla yung phone ko. 

1 message from +63925*******

_______________________________________

From: +63925*******

Hi Lean, good morning. This is mystery guy.

You ready for the party? 

_______________________________________  

Si mystery guy nag text sakin? Pano niya nalaman yung number ko? Ang creepy naman ne'to. Stalker ba 'to or what? Pero ayos lang, kasi nag text si mystery guy. Malalaman ko na kung sino siya.

Anyway, anong party sinasabi ni mystery guy?

_______________________________________

To: +63925*******

Goodmorning din, Mr. Mystery Guy. What party? 

_______________________________________

From: +63925*******

This friday.There's an acquaintance party, right? Hindi mo ba alam?

_______________________________________

Pasensya na, mystery guy. Wala naman kasi akong balak sa mga party party na yan eh. Kaso ngayong year no choice ako. Pupunta ako kasi officer ako ng Glee Club. Lagot ako kay Mr. Amor kung hindi ako pupunta. Siya kasi ang Club Moderator namin eh. Napaka-strict pa naman nun.

_______________________________________

To: +63925*******

Ahh. Sorry hindi ko naaalala ang mga ganyang events. Wala naman akong pake diyan, Mr. Mystery Guy.

Kelan ka nga pala magpapakilala?

_______________________________________

From: +63925*******

So hindi ka pupunta? Edi hindi ako makakapagpakilala sayo. 

_______________________________________ 

Napatigil ako sa pagluluto ng scrambled eggs. Seryoso siya? Magpapakilala na siya sakin sa Friday?! 

_______________________________________

To: +63925*******

Joke lang yun mystery guy! Syempre pupunta ako sa Friday para makita na kita. Alam mo bang excited na kong makilala ka? Gusto kong magpasalamat sayo!

_______________________________________

From: +63925*******

Really? I hope you'll be ready when you're already facing me. I bet you'll be surprised. 

Thinking of You ♥ ~ Chapter 21 (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon