Catch me, I'm falling, Green Heart

100 4 2
                                    

Catch me, I'm falling, Green Heart

“…But will you say that you love me, and show me that you care, say when I need you, you will always be there…”

                Bigay todo’ng kanta ni Patricia, pero ang kaibahan sa dati ay medyo nahihiya siya sa pagkanta dahil napakataas naman ng tono ng kanta, ambisyosa naman kasi, talagang Regine pa ang naisipang banatan. Talaga naman, kung wala pa sa tabi niya ang gwapong lalaki ay di siya mahihiya. Madaling araw na, buti na lang at private pool ang kanilang tinutuluyan kaya walang mabubulahaw na kapitbahay, kung nagkataon malamang pati mga tandang nagsipag gisingan na. Frustrated singer kasi itong si Patricia. Marami siyang kamag-anak na magagaling na mang-aawit, pati ang ilan niyang kapatid at magulang ay magagaling din. Siya lang talaga ang sablay. Bagamat may maganda naman siyang kalidad ng boses, di naman niya masapol ang matataas na nota ng musika. Ganun pa man, mahilig pa rin siyang kumanta. Alam niya kung kelan siya mali at tama pero ayon pinagtataksilan siya ng lalamunan niya, kinakapos. Kawawang singer-wanna-be.

                Natapos na ring kumanta ang babae, may sumunod na iba at talagang maganda naman ang boses. Pero di siya lubos na nahiya kahit ang lahat ng nakakarinig ay agad na kumpara ang kapangitan ng pagkanta niya. Umupo na lamang si Patricia sa upuan niya sa tabi ni Jeff, ang lalaking nilalandi niya sa isip niya. Nang umaga pa lang, nang una niya itong Makita, ay talagang di na mapakali sa kakaisip itong si Patricia kung anong gagawin niya para makuha ang atensyon ng lalake. At ayun, dinala niya sa kakapalan ng mukha. Kaya lang di pa siya tiyak kung talaga nga bang nakuha niya ang atensyon nito.

                Sa pagtabi ni Patricia kay Jeff ay di pa rin siya makapaniwalag sila na nito. Napakabilis ng pangyayari. Sa ilang palitan nila ng salita ay nag alok na ito na maging sila. Noong una’y nagulat pa ang hitad at nagdalawang isip, pero ginusto niya ring sakyan ang lahat, nagbabaka sakaling ito’ng kabaliwang ito’y maging matino at magbunga ng maganda. Kaya lang, sa kalasingan niya kanina ay naka idlip siya at di niya naaalala kung dumampi ba ang labi ng lalaki nang akma itong hahalik. Sayang, sabi niya sa isipan niya. Tiningnan niya tuloy mga labi ng lalaki. Mapula at talagang nakaka-akit ang mga mala makopang labi nito. Sinamantala niyang tingnan ‘to habang nakatingin ito sa karaoke at sumasabay sa pagkanta sa lalaking may hawak ng mikropono. Sa pagbuka ng labi ng lalaki’y sabay din siyang napapanga-nga.

                “Hoy, laway mo!” pang-gugulat ni Jeff.

                Dahil nakatingin nga sa labi ang malandi, di niya napansin na nakatuon na sa kanya ang mata ng binata at lihim na natatawa.

                “Ano iniisip mo? Ginagahasa mo na ata ako, wag!” sabay tawa at takip sa mga labi niya.

                “Pwede mo namang gawin ng personal, wag kang…” natigilang dagdag ni Jeff

“Hala, ambisyon? Transparent ka kaya—di kita nakikita!” di malamang sagot ni Patricia, na halatang napahiya. Tumingin siya palayo at nagsungit-sungitan—defense mechanism dahil talagang buko siya ng gwapong ito.

                “Ay ganon ba, jelly fish na pala ako ngayon? Kagabi Vampire lang ako, ngayon Jelly fish na?” Pang aasar ni Jeff.

“Hindi, gulaman ka, no flavor.” Napairap na banat ni Patricia.

“Wow!” sabay halakhak. “Sana tinikman mo.”

Ayon, lalong namula ang malandi. Grabe rin talaga sa pagka straight forward ang lalaki. Pinaglalaruan ang kanyang imagination.

“So kung transparent gelatin ako, nakita mo na ba ang laman ng dibdib ko, dito sa puso ko? Biglang seryosong sabi ni Jeff na hinawakan pa ng kanang kamay ang kaliwang dibdib.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch me, I'm falling, Green HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon