NASA KALAGITNAAN na sila ng panonood. Dahil pusong mamon si Swan siya ay napaluha.
Mabuti na lang at may ka-text si Kyle, kundi aasarin lang niya ako at sasabihin napaka-OA, isip niya habang nagpapahid ng mga luha.
Sa scene na pinapanood, pinipilit ng bidang babae na ipaglaban ang pag-ibig sa bidang lalaki, kahit pa baldado ito. Ayaw naman ng lalaki na maaksaya lang ang future ng babae dahil dahil ito ang ginusto nitong mahalin, isang baldado na walang future.
Nag-flash back bigla si Swan. Ang persistency ng dalaga ay naihambing niya sa persistency ni Kyle.
Kyle salamat, for pursuing me, for giving our marriage another chance. Nahirapan siyang lumunok sa naisip. Tears kept flowing. I abandoned us but you came back to restore it.
Mukhang hindi na siya successful sa pagtatago ng emosyon dahil inabutan na siya ng katabi ng panyo.
"The movie is not that dramatic, pero alam ko kung ba't ka umiiyak," anito na seryoso ang tinig habang sa screen nakatingin. Pisil-pisil nito ang kanyang mga kamay. It was a seriousness that she had never seen before.
"B-bakit?"
"Kamukha ko kasi ang lalaki..."
"Wrong timing ka kamo kung mag-joke," naiinis niyang tugon sabay tingin muli sa screen.
Pero hindi nagpapatawa si Kyle.
"Swan titigan mong mabuti yung bida, halos kahawig ko di ba? At yung babae..."
"Hindi ako papayag na kamukha ko siya!" agad niyang protesta. Sa totoo lang naaasiwa siya sa kaseryosohan nito kaya siya nagpatawa na lang.
"No, mas maganda ka sa kanya."
Natigilan siya sa higpit ng pagpisil nito sa kamay niya. Namalayan na lang niyang lumuluha na rin ang katabi.
"Swan ayokong umabot tayo sa puntong mawawala ang isa bago natin malaman kung gaano kahalaga ang isa't-isa. I want to you to know that I value you very much, this moment, this season, katulad kung paano tayo pinapahalagahan ng Diyos..." garalgal nitong wika.
Hindi niya alam kung anong isasagot sa emosyonal nilang pag-uusap. Mabuti na lang at pumasok na naman ang isang text message sa cellphone.
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...