Papasok na ko sa school at sinalubong ako ng magandang nilalang na ito sa harapan ko,
“Good morning Shei”
ngumiti ako ng malaking malaki, ang saya saya ng bawat araw ko pag kasama ko siya,
“GOOD MORNING!! King!!”
Si King Steven Baltazar, ang unang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko. Siya ang first love ko at siya na din ang magiging last. ^_______^V
Mahal na mahal ko siya, sa kanya ko lang to naramdaman. LAHAT sa kanya ang una, hindi ko yata kaya kung iiwan niya ko. pero ayun nga ang drama kooooo XD e kasi love na love ko lang naman talaga siya :3
“HOY! tulala ka na naman! wag mo nga akong masyadong isipin!"
"Tse! Epal ka masyado" -___- ang epal niya, pero totoo nga naman iniisip ko siya. TSS
"Ang swerte ko talaga! ang sweet ng tababoy na toooo!" tapos inakbayan niya ko,
"Ano taba saan tayo bukas?” Oo nga palaaaaa, :3 napangiti tuloy ako dun. Hihihi
“TABA?! Nakakahiya naman sayong maya’t maya kumakain -__-”
“HAHAHA! Ang cute mo talaga. Joke lang! pero ano nga saan tayo?"
“dapat diba sinusurprise mo ko? Anu ba naman yan -__-”
kung nagtataka kayo, anniversary namin bukas.
One year na kami!! ^______^ Yohohohoho! Ang saya saya pero diba nga dapat sinusurprise niya ko? :/ Hahahahahahaha.
"OO NA! :)" tapos inakbayan niya ko
aaayyyyyyyyyyt excited na koooo!! :3
Pagkauwi ko sa bahay, madilim, wala pa ba sina mama? Pumasok na ako.
“Maaaaa?”
“Shei”
Si mama, halatang umiyak, ang lungkot lungkot niya ngayon. Kinakabahan ako, nakakatakot, pakiramdam ko madaming mangyayare na hindi ko magugustuhan.
“Shei”
“Ma, bakit? Anung nangyare?”
“Hiwalayan mo na siya, Shei”
tumayo ako at lumandas agad ang luha sa pisngi ko. Agad ko itong pinunasan, ayoko nito.
“Ma, ilang beses ko ng sinabe ayoko, mahal ko si King wag niyo kong ipilit sa iba Ma. Hindi na po ba magagawan ng paraan?”
Gusto ko ng umiyak, ilang beses na kong pinipilit ni mama sa desisyong hindi ko gusto, patay na si papa at nalulugi na ang kompanya na naiwan niya sa amin at ang tanging paraan na lang ay ang sagutin at pakasalan ko ang anak ni Mr. Santiago. dahil tutulungan daw nila kami pag sinagot at pinakasalan ko siya, talagang ginagawa nila ang oportunidad na mapakasal ako kay Tristan. :(
Si Tristan Santiago, magkababata kame at dati pa lang alam ko na na may pagtingin siya saken, tinangka na din niya dati na sirain ang relasyon namin ni King pero hindi naman niya nagawa. pero mali naman tong ginagawa nila, anung gagawin ko?? :'(
Mahal na mahal ni mama ang kompanya, at ito nga kaya niyang gawin ito, sa akin, sa amin.
“Ginawa ko na ang lahat Shei, ito na lang ang tanging paraan. Maawa ka sa mama, sa kompanya matututunan mo din siyang mahalin maniwala ka sakin. mabait si Tristan..Anak para sa akin gawin mo” niyapos ako ni mama,
Buong gabi akong umiyak, Hindi ko alam ang gagawin ko, ang gulo ng isip ko, bakit kailangan ganito? si king ang mahal ko, pero bakit parang kailangan kong gawin ang gusto ni mama? :(