Sticky Note
“Go Roey go! Wooh! Kaya mo ‘yan bebe ko! Bebe? Parang pangit yata? Baka ‘di niya magustuhan. Uhm, alam ko na! Babe nalang. Oo, tama! Babe! Go babe! Wooh!” Sigaw ko sa lovey-dovey ko. Kay Roey. Hindi naman obvious kung mag-ano kami diba? Kung ano man ang iniisip niyo, joke lang ‘yon! Aray talaga, hanggang crush lang talaga ako. Pero okay lang, cute pa rin naman siya. Ang galing-galing n'ya pa mag-basketball!
Nandito ako ngayon sa gymnasium ng aming University at nakatayo sa bench. Wala eh, punggok eh, kailangan tumayo at tumungtong.
Kasama ko si Jhai, bestfriend kong malandi pa sa ‘kin at si Roey? Ako lang naman ang may ultimate crush sa kaniya. Angal?
Crush ko siya since highschool ‘til now. Siya rin ang dahilan kung bakit dito ako nag-aral sa University na 'to. Stalker? Hindi, pumapag-ibig lang. Hi-hi! Ang init tuloy ng mukha ko dahil sa kalandian. For sure ang pula na naman ng mukha ko.
“Hoy! Norie Samantha!” Speaking of that flirt! Binatukan na naman ako ni Jhai!
“Araay!” Pag-inda ko. Syempre binatukan ko rin s'ya. “Bakit ba kase nambabatok ka ah?!” Galit kong tanong sa kaniya kasabay ng pag-ganti ko.
“Ang ingay mo kaya ang sakit na ng tenga ko! Kanina ka pa sigaw ng sigaw!” Reklamo niya habang nanlalaki ang dalawang normal nang malalaki niyang mga mata. Eto ang isa sa mga ayaw ko sa kaniya, ang itsura niya kapag galit. Bungangera pa.
“Aba! Nakakahiya naman sayo! Kanina ka pa tulak ng tulak sa 'kin eh kulang nalang malaglag ako mula rito sa bench!” Depensa ko sa sinabi niya sa'kin, eh, totoo naman kasi na hindi lang ako ang kumikirengkeng sa mga basketball player dito.
“Tss, eh kashi naman kenekeleg ako do'n sa boyfriend ko. Yung isang member nila Roey mo.” Yung nakakarindi niyang sigaw kanina biglang naging pabebe. Nyeta. Nag-beautiful eyes pa ang bruha sabay hawi ng kulot-kulot niyang baby bangs.
Teka, ba't hindi ko alam na may boyfriend na siya?
“Kelan ka pa nagka-boyfriend?! Ba't 'di ko alam?!” Naka-subangot ang aking mukha. Nakaka-inis, may parang kumurot sa'kin. Kaibigan ko pa man din siya, nakaka-tampo.
“Kagabi ko lang siya sinagot, bestie! 'Wag ka ngang high-blood d'yan,” anas niya.
Teka, kagabi lang niya sinagot? Eh ba't 'di naman niya sinabi na may manliligaw na pala siya?! Halos palagi naman kaming magkasama ha?!
“At kelan ka pa n'on nilagawan?” Taas kilay kong tanong.
“Ano ka ba naman, bes? Edi syempre kagabi din,” sagot naman niya na parang wala lang.
“Letche ka! Isa ka rin palang malandi, ano?! Ka-team ba s'ya ni Roey ko?!” Oh my Roey labs! You are such my reliever.
“Oo, he-he, eh ikaw ano na kay Roey mo? Tunganga ka lang? Kada may game lang sila saka ka makakapagsalita sa Roey na 'yan?! Tss, ikaw rin, bahala ka, maraming umaaligid sa Roey mo. Kung ako sa'yo magda-damoves na 'ko.” Aniya na animo'y may pangongonsensya sa kaniyang tono.
“Eh hindi pa s'ya nanliligaw eh.” Napa-nguso na lamang ako.
“Edi ikaw manligaw.”
Nanlaki bigla ang aking mga mata sa mga sinabi niyang 'yon.
“Siraulo ka ba?! Bakit ako?! Eh ako 'yong babae!” Sabay batok ko sa kaniya na montikan na niyang ika-lag-lag dito sa bench pero buti nalang mabilis ang reflexes niya at nai-kalso niya kaagad ang mga kamay niya sa dalawang lalaking kalbo na criminilogy na nasa aming harapan. Tinitigan lang siya ng mga ito ng masama. Nangi-ngisi naman ako dahil do'n.
BINABASA MO ANG
10 Signs Na Crush Ka Ng Crush Mo
RomanceKung sino man si Sign Sender. I'm gonna thank him :)