Chapter 23 : Second Day

3.8K 33 1
                                    

"Arghhh tagal naman" Inip kong sabi sa sarili . Inip na inip na ko dahil ang tagal mag simula ng event . Madami na ang tao sa school at naiinip na rin

Pero maya maya pa ay bigla namang may nagsalita sa micropono "Pasensya po sa lahat ng nainip" sabi ng isang teacher at naghiyawan ma ang lahat dahil mag sisimula na ang

Pinaka inaabangang part ng event ang Muse&Escort . Isa isa ng tinawag ang mga candidates

Una ay elementary muna ang nagpasiklaban . At mga grade six Muse&Escort ang nanalo noon . Maghintay muli kami

Ng isang oras dahil maghahanda pa ang mga High School Muse&Escort . Di na ko mapakali dahil sabik na akong makita si Lynne

Natapos na ang ibang mga Muse pero si Lynne ay wala pa . Nadismaya naman ako dahil wala parin siya hanggang ngayon

Pumunta muna ako sa canteen para bumili ng softdrink dahil tuyong tuyo na ang lalamunan ko . Bigla namang lumakas ang hiyawan ng tao

Kahit na ang layo ko ay rinig na rinig ko iyon . Kaya naman agad akong tumakbo patungo sa event area .

At napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita . Si Lynne ay nakasuot ng Dark Pink gown at naka High heels eto .

Napanganga ako sa ganda niya at ang suot niya lalo pa akong napatulala dahil sa ganda niya dahil nakatali ang kanyang buhok

Ang cute niya lalong tignan pag nakatali ang kanyang buhok . Di ako makapagsalita at ngayon ay sobrang

Lakas ng tibok ng puso ko . "Ang Ganda niya" yun lamang ang pumapasok sa utak ko noong oras na iyon .

Napangiti ako ng magsimula ng rumampa ang mga kandidato . Todo cheer ako sa kanya ng oras na iyon .

Halos mapatid na ang litid ko kakasigaw . Nauna muna ang mga Escorts . Sumunod naman ay ang Muse

Rumampa na sa harap si Lynne at sumigaw ang ng todo at tuwang tuwa dahil sa galing niyang rumampa .

Todo palakpak ako wala akong paki kahit na mapaos ako dahil ang gusto ko ay ma cheer siya kahit na mangibabaw pa ko sa ibang tao .

Matapos ang rampahan ay nagsimula naman ang Question and Answer portion ng event . Nakita ko sa mata ni Lynne na kabado siya

Tinawag na siya sa harapan para sagutin ang tanong . Humiyaw ako at sinabi " kaya mo yan wag kang kabahan " todo kong sigaw .

Tumahimik na ang lahat at nagsimula ng magtanong ang hurado . Pagkatapos ng tanong ay agad namang sumagot si Lynne

English pa ang sagot niya non . At ng matapos ay hiyawan ang lahat . Lumipas pa ang ilang minuto ay ang Final Desicion na

At malalaman na kung sino ang panalo . Tahimik ang lahat at nakapikit , nanalangin na sana manalo ang kanilang pambato .

"The Winner is " pabitin na sabi ng hurado . "The 3rd yr Muse&Escort" . Naghiyawaan ang mga ibang tagasuporta

At nanglumo ako dahil natalo si Lynne nakita ko sa mukha niya ang pagkalungkot . Nang oras na iyon ay parang gusto ko siyang

Pakalmahin at sabihin na " Ok lang yan " . Nagkalasan na ang mga tao sa paligid at nagbihis na uli ang mga Contestants .

"Oh ano anyari sayo tol?" Biglang tanong ni Josh "Natalo kasi si Lynne eh " malungkot kong sagot . "Ok lang yan tol " sabi niya pa uli at tumambay

Kami sa harapan ng Guidance Office . Dahil nga Foundation namin ay may mga booth na bukas

Photo,Horror,Dedication at iba pa . Naisip ko kung mag dedicate kaya ako para kay Lynne ? . Ayoko nahihiya ako sagot ko sa sarili

Naupo na lang uli ako at naghihintay na maguwian . "Arghhh pawis nako" sabi ko sa sarili . Mabuti na lang ay

May baong akong extrang damit para sa sarili . Nagtungo agad ako sa banyo at nagbihis .

Pagkalabas ko ay tumungo agad ako sa mga kaibigan ko .

May biglang tumatawag ng pangalan ko ng malakas sa aking likuran . Nagtaka naman ako kung sino iyon .

Hindi ko muna ito nilingon at tinawag muli ako ng pagkalakas lakas "KAEL!!!!" . Nagulat ako sa lakas ng pagtawag saakin

Pagkalingon ko ay si Gelin pala iyon at kasama si Lynne at iba pa nilang kaibigan . Pinapalapit ako ni Gelin .

Nagdalawang isip ako dahil andoon si Lynne at nahihiya ako at di ko rin alam kung ano ang kailangan nila .

Wala na akong magawa at lumapit sa kanila . Habang papalapit ako ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko sa kaba

Para na akong lalamunin ng puso ko sa sobrang kaba.

Ng makalapit ay humingi ng pabor si Gelin habang si Lynne ay tahimik pa rin na para bang may inaabangan .

"Kael pwede ko ba kayo kunan ng litrato ni Lynne?" Tanong niya na agad ko namang kinakaba lalo at di ko alam kung totoo ito o nagbibiro lang

Hindi ako nakasagot pero nilabas na bigla ni Gelin ang Cellphone niya at akmang kukunan na kami ng Litrato ni Lynne .

Totoo nga ito . Sabi ko sa sarili . Gusto ko itong nangyayari pero di ko alam kung bakit nangyayari ito .

Tumabi na lang ako kay Lynne . Nagkadikit ang aming mga braso di ko mapigilan ang sarili ko sa sobrang kilig

Dalawang litrato iyon at ng matapos ay tumakbo ako patungo sa mga kaibigan ko . Sobrang kinikilig ako at

Di ko maipaliwanag ang nararandaman ko . "TOL NAGPAPICTURE SIYA SA AKIN !" Sigaw ko sa kanila na tuwang tuwa . Binatukan naman nila ko dahil sa sigaw ko

"Ayos ah tuwang tuwa hahaha" tawanan nila . Sa sobrang saya ko ay nilibre ko sila ng pagkain .

***

Tinignan ko ang facebook ko at hinihintay na dumating ang pictures . Di na ko mapakali dahil gustong gusto ko ng makita ang larawan .

At bigla namang may notif na dumating . "Gelin Tagged you " agad kong binuksan ang notif at nakita ang larawan

Napangiti ako sa sobrang kilig . Gusto kong sumigaw ng oras na iyon . Ang ganda niya sa litratong iyon .

Nakasuot siya ng Tshirt at polo panlabas at naka shorts . Ang ganda niya doon tuwang tuwa ko at sinave ko sa cellphone ko ang larawan

At ginawang wallpaper iyon . Bigla namang nagmessage sa akin si Lynne

"Kuya thanks po dahil pumayag kayo mag pa picture kanina :) " agad ko naman nireplyan iyon " Ahh walang anuman :) thanks din "

Nagpasalamat naman ako sa Diyos dahil sa magandang nangyayari saakin ngayon . Meron pa kaming 3rd Day ng Foundation bukas

At excited ako kung ano uli ang mangyayari bukas . Sana magtuloy tuloy to bulong ko sa sarili at nagpahinga na .

A Love To Wait (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon