Chapter 11

244 8 3
                                    

Ysabel's POV

Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako at laking pasasalamat ko dahil nandito ang best friend ko, si William.

"Ano bang kulang sa akin, William? Am I not that beautiful? Kulang pa ba ko sa talino? Pangit ba akong kumanta at sumayaw?" Tanong ko habang lumuluha pa rin ako.

"Maganda ka at napakatalino mo. Isa pa talented ka rin kaya huwag mong pagdudahan ang sarili mo."

"If that is true, bakit lagi na lang ako pangalawa kay Princess? Bakit nagawa akong kalimutan ni James? I never wanted to be the second best."

"You don't have to be the best to make somebody love you. Always remember that being simple is the most perfect way to make someone fall for you." Aniya at ikinulong ako sa kanyang bisig dahilan upang mas humagulgol ako.

Princess' POV

Kauuwi ko lang at sa pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko si tito. Nagkatitigan kami ng mga ilang segundo at naglakad na ako, ngayon ay nalampasan ko na siya nang tawagin niya ako.

"Princess," tawag niya sa akin kaya naman napahinto ako pero hindi ako lumingon sa kanya.

"Alam kong naging unfair ako sa inyo ni Ysabel pero gusto ko lang sabihin sa'yo na wala talaga akong kakampihan sa inyo. Ang gusto ko lang naman ay magkasundo kayo pero ang nangyari ay hindi lang kayo sa isa't isa nagkagalit pati sa akin nagalit pa kayo. I'm so sorry. Patawarin mo ako a-anak."

"Anak mo ko ngayon dahil tayo lang dalawa pero pag nandyan si Ysabel o kahit sinong tao isa lang akong sampid dito," sabi ko sa kanya ng nakatalikod pa rin.

Hindi naman ako 'yung tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob kaya lang nasasaktan na talaga ako eh.

"Alam ko na kasalanan ko kung bakit ganyan ang buhay mo ngayon pero Princess lahat naman ginagawa ko para lang maging mabuti akong ama at para mapunuan ko ang mga kakulangan ko sa iyo."

"Alalm ko naman 'yun tito, kaya nga pinapatawad na kita."

"Talaga?" tanong ni tito kaya humarap na ako sa kanya at ngumiti.

"Yes. I forgive you," sabi ko ng nakangiti at bigla akong yinakap nito.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya."

Ysabel's POV

Papasok na ako ng loob ng bahay nang makita ko si dad at Princess na magkayakap. Ikalawang beses ko na itong nakita na sila ay magkayakap.

 Then maya-maya ay bumitaw na sila sa isa't-isa.

"Oh Ysabel nandyan ka na pala," sabi sa akin ni daddy nang makita ako pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad at dumiretso sa itaas.

Nagbihis ako at pagkatapos kong magbhis ay umupo na ako sa aking kama at pianasak ko ang earphone ng aking ipod sa aking tainga.

I just wanted to escape the reality even just for some time. Ayoko munang maalala na may Princess akong kilala na inaagaw ang lahat sa akin.

Princess' POV

Nasa harap na kami ng hapag kainan ni tito para sa aming hapunan pero hindi pa kami makapagsimula dahil hindi pa bumababa si Ysabel.

"Sir, hindi po sumasagot eh," sabi ni yaya.

"Tito, tatawagin ko lang po si Ysabel." Paalam ko.

"Huwag na. Ako na lang," sabi ni tito at tumayo na siya at nagsimula ng maglakad.

Sana ay magkaayos na sila. Kahit hindi na muna kami ni Ysabel. Kahit silang mag-ama na lang.

I understand Ysabel's pain but it doesn't mean that I should invalidate what I am feeling also.

Ysabel's POV

BIglang bumukas ang pinto pero wala akong pakielam hanggang sa may kumuha ng ipod ko at pinatay ang music.

"Ano ba!" naiinis kong wika.

"Naghihintay kami doon sa baba para sabay sabay tayong kumain tapos nakikinig ka lang pala ng music."

"Eh ba't niyo pa ko hinintay? Sana nauna na lang kayo." I said as I roll my eyes at him.

Ayoko silang makasabay ng prissy princess na iyon.

"Ysabel, ngayon na nga lang tayo nagkakasabay kumain pagkatapos ng maraming taon tapos wala ka pa."

"As if naman may pakielam ka, di ba?" I said as I look what in front of me.

"May pakielam ako dahil ama mo ako."

"Ah talaga? Ba't pakiramdam ko mas anak pa ang turing mo kay Princess kesa sa akin?" I asked sarcastically when I bring my gaze to him.

"Hindi totoo 'yan."

"Pero 'yun ang nararamdam ko."

"Ysabel, alam kong marami akong pagkukulang pero sana maintindihan mo rin."

"Maintindihan ang ano? Dad talagang di ko maintindihan dahil hindi mo pinaiintindi sa akin!" Tumataas na rin ang boses ko.

"Ysabel."

"Mauna na kayong kumain at susunod na lang ako," sabi ko at maya-maya ay paalis na siya.

Magsama kayong dalawa.

Princess' POV

Masyado na ata silang matagal roon kaya naisip kong tumaas na. Sa pagpunta ko sa kwarto ni Ysabel ay nakasalubong ko si tito na papalabas na ng kwarto at nagkatinginan kami. Naglakad na siya paalis kaya ako naman ay pumasok sa kwarto ni Ysabel.

"Anong ginagawa mo rito?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

"Alam kong nag-away kayo ni tito pero sana hindi mo na siya sinagot sagot pa."

"At sino ka para utusan ako?"

"Ysabel, kahit anong gawin mo ay tatay mo pa rin siya at hangga't tatay mo siya au wala kang karapatan na sagot sagutin siya ng pabalang."

"Alam mo Princess, ikaw na! Ikaw na ikaw na! Ikaw ng matalino, ikaw ng maganda, ikaw ng mabait, ikaw ng magaling. Ikaw na ang lahat!"

"Ysabel."

"Alam mo kung ako sa'yo ay umalis ka na sa kwarto ko or better yet lumayas ka na sa bahay na ito ng hindi mo na tuluyan pang maagaw ang buhay ko!" Singhal niya sa akin.

"Wala akong ginagawang mali Ysabel pero kung talagang matindi ang galit mo sa akin ay wala na akong magagawa roon. Tandaan mo lang na handa akong tanggapin ang sorry mo kapag na-realize mo ng wala akong masamang intensyon," sabi ko at umalis na sa kwarto niya.

Ysabel's POV

Anong pinagsasabi ng babaeng iyon?

Kahit kailan hinding-hindi ako hihingi ng tawad sa babaeng yun.

Siya ang may kasalanan kung bakit lagi na lang akong ikalawa kaya hinding-hindi ako magsisisi sa lahat ng mga salitang nabitawan ko sa kanya.

I will do everything not to let that prissy princess steal my life.

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon