M.U Examples 101:
Top 10 Examples: (Not based on their ranks but just an example)
1) Puppy-love kuno
-ang puppy-love kuno na yan ay yung paboritong palusot ng mga taong nagsawa na sa relasyong ugnayan na yan. Puppy-love kayo diyan.. Pakagat ko kaya kayo sa aso nang makita niyo ang puppy-love. =_= Tse!2)Facebook Romance
-nagsimula sa Add Friend, In-accept mo, chinat ka, inisnob mo nung una, nakulitan ka, nakipag-chat ka, natuwa ka, na-fall ka daw, niligawan ka, pumayag ka. In short, part ng malanding ugnayan or ligawan. Uso yan ngayon, swear. Lalo na kung hindi mo kakilala yung tao tapos akala mo siya yung nasa profile yun pala poser. =_= Oh ano ka ngayon? Ang saya diba? Tapos ikaw iiyak diyan at sasabihing niloko ka niya o di kaya sasabihin mong pinaniwala ka. Eh sino ba yung tatanga-tanga diyan na magpapaniwala sa mga ganiyan? Malamang na ako diba? Oh edi ikaw. Tse!3)Famous Kasi
-madaming likers, followers, admirers. Mga example ng mga famous sa lugar nila especially sa school. In other words, parte siya ng malanding ugnayan dahil nagustuhan mo siya sa status life niya. Niligawan ka niya ng seryoso, sinagot mo siya dahil nga sikat siya at famewhore ka. Pwede ding vice-versa, dahil sikat siya, niligawan mo, ayun sinagot ka. Yari ka kapag nalaman yung dahilan mo kung bakit ka nagkagusto sa kaniya. Eh dahil sa sikat siya, lagot ka at daig mo pa ang artista sa dami ng haters at wait, there's more.. Sisikat ka pa, di'ba? Edi masaya na? Masaya na silang bullyhin ka diyan dahil loko-loko ka. Serves you right! Tse!4)Mema Lang
-eh sa bida-bida ako, bakit ba? Ayan! Matinding example ng Malanding Ugnayan, ang mema lang. Memajowa lang, memashota, memapost lang sa fb na "in a relationship with chuchu" O diba? Tama ako? Eh sa uso yung ganiyang tao eh. Nakoo. Makakahanap ka ng katapat mo, I can feel it. Yung taong makakatapat mo ay yung magugustuhan mo ng totoo ngunit na-mema ka lang din. Sakit ng karma noh? Tiisin mo! Ginusto mo eh. Walang line na "Kung maibabalik ko lang yung mga oras chuchu" na yan. Walang Kurumi ng Date A Live dito o di kaya isang Chronomancer para ibalik ang oras. Nagawa mo na kaya waepek na kasi that is past and there is nothing you can do about it. Tse!5)Paselos si Ex
-mga di pa nakakamove-on sa ex. I short, kampana "Tanga lang Tanga lang Tanga lang". Mandadamay ka pa talaga ng iba ha? Ano yun, panakip butas yung bago? Kawawa naman diba?.. maliban nalang kung pareho kayo ng pakay. Operation: Paselosin si Ex. Eh paano kung waepek? Edi muntanga ka diyan? Oh ano? Akala mo mission accomplished ka diyan? Yug tatanugin mo sarili mo na "Minahal niya ba ako?" Eh paano kung ako si konsensya mo at sagutin ko sayong "Tongak! Di ka minahal niyan, kita mong dinadaan-daanan ka lang diyan sa daanan eh." O baka naman ayaw mong sumuko dahil feeling mo, isa kang bida sa isang wattpad story na babalikan ka ng taong mahal mo? Lol. Earth to you, men! Baka nakakalimutan mong hindi ikaw yung bida, dahil extra ka lang diyan? Charr. Joke lang. Hahahahahh! Tse!6)Uso eh
–kamag-anak ni Mema lang si Uso eh. Pareho silang Jollibee. Bida-bida. Makikiuso sa iba, sa friends, sa fb. Aysos! Makikipag-relasyon para may masabing "Tignan niyo! May ka-MU ako! Hindi na ako others, oh ano angal ka?"... kalokohan ( ̄ー ̄) Pa-savotage kaya kita at sabihin ko sayong "Uso yan eh! Oh ano, aangal ka?" Tse!!7)Sanay lang
-sa mga casanovas, mga professional, mga expert. Ayan sila. Mga sanay. Sanay manakit, Sanay mang-iwan at ang malupit ay sanay lumandi. Mga loko-loko at may sanib. (=_=) Ma-baog sana kayo. Sanay lang? Nakuu. Dahil sanay kayo, dapat nirerewardan kayo ng MVP "Most Valuable PLAYER" o di kaya ng "Most Professional Manlandi" Bagay sayo yun. Tse!8) Maganda ako, Gwapo siya
-medyo waley na ito. Yung masabing pareho silang maganda at gwapo kaya perfect match. Aysos! Utot mo itim! Polluted na yang utak mo sa ka-conceitedan eh. Pareho ngang may looks, eh yung utak may langaw na? Manigas kayo diyan. Maganda ako, Gwapo siya o vice-versa. Pasabugin ko kaya yang mga mukha niyo at nang mabago na yang katagang yan into "Chaka ako, Chaka siya." at baka matuwa pa ako sa inyo. d( ̄  ̄)9) Si Kupidong sablay
-dahil pareho silang may feelings to each other kaya pwede na daw sila............... Eh paano kung barilin ko kayo nang malaman niyong napaka-easy to get niyo? Karakaraka agad, ganern? Nako. Tapos biglang hahantong sa hiwalayan kasi akala niyong inlove na kayo to each other yun pala, hindi. Tapos sisisihin niyo si kupido dahil dumaplis lang yung pana sa inyo kaya saglitan lang? Aba! Kawawang kupido na yan at nasisi pa. Pati ba naman si kupido ng greek mythology, nasisi? Aba'y magaling. Panain ko kayo ng ginamit na pang-patay kay Magellan na may lason eh. Tse!10) Malandi ako, Chicboy siya. Edi Perfect Match.
-ayy! Sa lahat ng nabanggit, ay dito ako natuwa. Perfect match nga. Bagay na bagay at nakakatuwa. Yung nakakatuwang hahantong sa pag-untugin ang dalawang ulong may utak na kasing laki ng kuliglig. =_= Sabagay, tama lang yan kaysa mandamay pa kayo ng iba. Mas mabuti nang magkalat kayo ng virus to yourselves (^_^) Diba? Mga tao nga naman, puro hanap ay mga taong with same kind and species. Kaloka. Tse!Ayang sampu na yan ay ang mga kilalang example ng M.U aka Malanding Ugnayan. If ever may idadagdag kayo, just comment it guys at don't worry magkakasundo tayo diyan. Kung may mga second demotion about sa mga nabanggit na sampung examples ay pwedeng-pwede kayong maglabas ng saloobin. At kung natamaan man kayo diyan? Aysus. Don't worry, you're not alone men.
At isa pa, ayan po ay based on my observation about people in a relationship that was just a joke. Everything I said is my opinion and my friends opinion. But if you want to be angry, then go. Wala akong pinapatamaan and if ever na exact man ang sinabi ko dito sa'yo well, it's just an accident. It's not on purpose, okay? Actually, this is just a reminder at pinangungunahan ko na kayo kasi baka ma-beastmode kayo sa'kin. XD
---
AN: Malanding Ugnayers!! Hi guys~ Thank you for reading this and I hope you guys enjoyed it. Feel free to comment. So again, thanks and I recommend my on-going stories here in wattpad. Waaaah! I hope you guys read it~ So here's the link..
Highschool of War (Clash of Highschoolers)
https://www.wattpad.com/story/31630193365 Days to Live
https://www.wattpad.com/story/41128329The Great Pretender
https://www.wattpad.com/story/40790676My Vampire Stalker
Pivarem University
https://www.wattpad.com/story/36830333So that's all guys :D Hope you will enjoy this stories. ( ^ω^ )
-Kana_michiko01
BINABASA MO ANG
M.U: Malanding Ugnayan *Short Story*
Short StoryYung tipong makikipag-relasyon ka na nga lang, yung limited pa? Ito ang mga halimbawa ng mga MU aka Malanding Ugnayan ng mga Pilipino.