CH1: What the heck!!!!

159 6 0
                                    

Same bed but it feels just a little bit bigger now

Our song on the radio but it don't sound the same

When our friends talk about you, all that it does is just tear me down

Cause my heart breaks a little when I hear your name

Ayan kumakanta ako habang sinusuklay ko ang buhok ko (^^,)

Hi! Ako nga pala si Maria Joy (Marie Joy dapat yan eh, nagkamali sa sulat sa birth certificate ko (>.<) pero pangit pa rin yung pangalan ko kahit hindi nagkamali. SIGH) call me Iia(iia), 18 years of age, 3rd year College and I am an I.T student. At NBSB ako! NBSB!

Ako nalang ang tao sa bahay, kasi nga 9:30 pa ako pupunta sa school, yung mga kapatid ko pumasok na, si mama ko nasa school din siguro at ako...

Heto tinitignan ko ang structure ng mukha at katawan ko sa harap ng salamin. Hindi ako kagandahan, hindi rin naman ako matatawag na maganda o pangit nasa average lang siguro ako. Pero kapag ang katawan ang pinagusapan, hay naku magugulat kayo! sa sobrang perfect ng aking katawan haha!! PERFECT NA HUGIS BILOG haha!!! Madami kasing laman yung ref namin kaya hindi niyo ko masisisi kung chubby ako. 

"Excuse me, Seksing maganda may tawag ka!"

Ah sh*t san na yung phone ko.

"Excuse me, Seksing maganda may tawag ka! Excuse me, Seksing maganda may tawag ka! Excuse me, Seksing maganda may tawag ka!"

Iia: Hello tol! 

Rona: (Pant.Pant.Pant) Tol!!!!!

Iia: Bakit?!

Rona: Tol!! May Zombiesss!!!

Nagulat ako sa sinabi niya, zombies? totoo ba yun? Wala naman dito ha. Paano nagkaroon  ng Zombies. Andaming tanong na pumasok sa isip ko.

Rona: Tol!

Bumalik ako sa sarili ko.

Iia: Anong gagawin natin!

Rona: Meron na ba dyan?

Iia: Wa-wala paa 

Utal kong sabi, hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon ng zombie at sa Valentine's Month pa talaga, oo mahilig akong manood ng zombie adik ako sa zombie kumbaga, minsan ko na ding pinangarap na sana magkaroon ng zombie. And tada wish granted. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko excitement ba o takot. Well malalaman ko yan kapag nakaharap ko na sila I mean the Zombies.

"Iia!!! Iia!!! Iia!!! Iia!!! Iia!!! Iia!!!"

Anlakas ng katok ng mga mokong na to.

Pinapasok ko sila. Meet my friends: Rona and Trixie

Iia: woah!!! andami niyong dala, nakaya niyo yan? Oh Rona ba't may dala ka pang gitara hahaha! Balak mo pa atang mag-gig eh haha

Pano naman kasi andami nila dala, anlalaki ng bag nila haha!

Trixie: Mag-empake ka na, hindi malayong susunod na ang Bario nyo

Iia: Ako pa always ready haha

Kinuha ko yung bag pack ko na hindi kalakihan

Rona: Ba't yan lang dala mo? wala ka bang dalang armas?

Iia: Ay meron saglit. Nandito lang sa bag ko yun eh.

Kapa.Kapa.Kapa.

At nilabas ko ang isang baril at isang dagger

Rona: Wow! Si Trixie Itak nga lang eh tas kutsilyo haha

Whhhy?!!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon