Bihira ang isang babaeng DOTA Player, malupit at astig ang datingan lalo na sa mga lalaki, ang lakas makahatak ng atensyon kapag nakita mong nagdodota sa isang computer shop ang isang babae.
Ako si Lyka, 2nd year College sa **** University, malakas akong magdota, malakas mang-trashtalk kase nga halimaw ako maglaro,
Pero kahit ganun hindi ko pinapabayaan ang studies ko, mahal na mahal ko kase ang parents ko at sobrang mabait naman at napakasuportive nila sakin, kaya tama lang na wag kong pabayaan ang pag-aaral ko.
Medyo boyish ako, pero pa-chiks din minsan -____________- wala eh malakas trip ko eh trip ko lang din kase yung mga kinahihiligan ng mga boys, curious lang kung bakit libang na libang sila sa pagdodota nila na kahit minsan pati, mga girlfriend nila nakakalimutan na nila, nakakalimutan sunduin, itex at minsan sobra sobrang pagsisinungaling pa ang ginagawa nila makapagdota lang.
Kaya eto ang naging motto ko sa buhay ko.
*Break my heart, and I'll break your tower*
Nandito ko ngayon sa bording house ko malapit sa school nang biglang magtext si Kevin.
hey RAK tayo, sunduin kita jan after an hour.
- Khevs
ok.
- Lyka
Naligo na ako agad at hinintay na dumating si Kevin, after 20mins. dumating na siya dala yung kotse niya, bigtime to eh.
Pagkasakay ko sa kotse niya pinaharurot niya na ito papuntang Tuguig, taga dun daw yung naka-chat niya kanina sa gg niya (garena)
Pagdating namin doon sa shop nadun na yung mga kalaban namin, medyo nagulat pa nga sila na kasama ako ni Kevin, akala siguro chiks niya ko tss lagi na lang ganun napagkakamalang Girlfriend ako ni Kevin, most of the time kase siya yung kasama ko, malakas din kase tong maglaro eh at siya ang nagturo sakin magdota.
Naupo na ko sa isang PC at simulan na ang laban.
ow shit, *utang*na ang galing nung kasama niyang babae pre.
- Dave (isa sa mga kalaro namin)
hahaha nabaog ka par? nakakahiya ka binaog ka ng babae :D
- Aaron (kakampi ni Dave)
Mukang naasar naman si Dave kay Aaron kaya nagbigay lang siya ng mamaya-ka-sakin look.
HAHAHA nakakatuwa sila, silang magkakampi sila nagtatrashtalkan.
2-0 ang score :) (ngiting tagumpay)
Panalo lang naman kami ni Kevin 5k lang naman easy money.
Nagpadis point muna kami ni Kevin bago umuwi, chill lang.
Nakaka-isang bucket na din kami nung biglang nag-open ng topic si Kevin at medyo tipsy na din ako.
Lyk . . . bat mo ba ginagawa to? hindi ka pa ba sawa? akala ko ba curious ka lang kaya ka nagpaturo? Pero iba eh, hanggang ngayon hindi mo pa sinasabi sakin yung totoong dahilan mo kung bakit ka nag-aral mag-dota?
- Kevin
(napatingin lang ako sakanya noon at tumawa na lang para kunwari hindi ako affected.) Hahaha :D khevs are you serious? Nagsisisi ka na bang tinuruan mo ko at mas magaling na ko ngayon sayo? Ha?
- Lyka
(ngiting pilit, yan na lang ang sinukli ko kay Lyka para hindi niya mahalata na nasasaktan ako kasi ibang iba na siya, ibang iba na sa Lykang nakilala ko 2years ago, at pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit siya naging ganyan.)