Epilogue
"Ang Birthday ni Nash Aguas."
---- Shar ----
Sa paglipas ng tatlong taon, maraming nagbago. Matapos ang pagalis ni Nash papuntang Paris, nawalan ako ng komunikasyon sa kanya. Na deactivate ang mga accounts niya, hindi na niya ginagamit ang number niya. Di ko rin makontak ang mommy niya. Umalis na rin yung mga maids sa bahay nila dito. Kaya ayon, tinanggap ko na lang ang mga iyon at nagpakatanga ng tatlong taon.
A year after, nagpakita ulit ang tita ko. Pero di rin katagalan, nagpafavor siya kay Jairus na samahan ako at magpapalipat ako ng bahay for college. Agad naman siyang pumayag. Kaya heto ako ngayon, freshmen sa bago kong school. Pasalamat na lang na Salutatorian ako, kaya scholar scholar din!
Di rin naging madali ang buhay ko. Ako na lang lagi magisa sa bahay. Na dati, si Nash ang kasama ko. Na dati ayaw niya akong iwan. Tapos ilang beses pa ako nanakawan sa bahay .. pangatlo na yata kaya bumalil yung tita kong walang malasakit sa akin.
Si Jairus? Ayon, buti pa siya may lablayp. Nung papunta kami sa airport non para pigilin si Nash, nagkita pala sila ni Amira nung nagkahiwalay kami. Ayaw pang aminin mahal pa rin niya yung babaeng yon. Ang sweet nga nila ngayon eh. Lahat na ng klase ng langgam nasa kanila na. Plus, nasa iisang bubong kami. Kung meron lang disease na ang cause ay kagat ng langgam baka nasa stage 4 na ako.
Ngayon ko lang narealize na ang bait bait ni Amira. Alam mo bang sa kanya ako nageemote non? DALAWANG TAON yon. Every single tear, may payo. May pinaghuhugutan eh. Pero pramis, napaka down-to-earth niya. Na tipong lahat talaga ng lalaki deserving na maging girlfriend siya. E ako naman! Ang kapaaal ng kamanhidan! Kaya ako iniwan eh.
Sana sa pangatlong taon na di ko siya nakikita, natauhan na ako. Nagsisisi, at the same time, natuto. Wala pa rin akong ibang minahal. Matiyaga akong naghihintay kay Nash. Alam kong babalik siya. Kaya ni kupido yan. Prends kami eh!
****
October 10, 2016
Birthday niya ngayon. Pangatlong birthday na di siya nakikita, nababati o kahit ano pa. Medyo wierd nga cinecelebrate naming tatlo tong araw niya eh. Last year, KFC kami nag foodtrip, sabi ngayon mag aAMUSEMENT PARK kami. Di kaya natitimang lang yung dalawang magsyotang yon? Di ba nila alam yung mga nangyari sa AMUSEMENT PARK na yon! Kinasusuklam ko yung araw na yon ah! Sabagay, para naman maiba. Di puro mall. At buti nasa city kami. Kaya iba. Wala rin akong maalala.
"Babes! .. Ganda ni babes ngayon ah." Papuri ni Amira sa suot ko. At oo yun ang tawagan namin. Aba'y ayokong maging forever alone sa amin no!
"Salamat babes! Ikaw rin, kaya ka nagustuhan ni Jai eh." Pangiti kong sinagot.
"Ikaw rin naman ah."
"Sus matagal na yon. Just forget it na." Sagot ko habang napapangiti siya. "Aba'y kinikilig fo?" Dagdag ko. Saka kami tumawa.
"Tara na babes! Baka maraming tao don." Sabay hatak sa akin na sa katunayan, ako na lang pala ang hinihintay.
Natahimik kami sa kotse, yung tipong radyo lang ang nakapagbreak ng atmosphere namin. Nagsalita na ako.
"Talaga bang sa Amusement Park tayo pupunta? Di ba pwede sa iba? Okay lang naman na kahit saan eh."
"Birthday nga ito ni Nash di ba? O edi binabalikan lang ang memories. Wag mo kasing isipin yung mga huling memories niyo dito. Yung dati na lang." Sagot ni Jai.
"Saka minsan na lang tayo magkaroon ng ganitong FUN no? Remember college na tayo, super duper busy na." Dagdag pa ni Amira.
Wala akong magawa kundi sundin sila. Eh kasi naman ang hirap kalimutan eh, tapos birthday pa niya. Ano to, sadyaan ba?
*****
Nakarating na kami sa Park. As always maraming tao, sinabi ko na sila na magbackout na, ang TIGAS pa rin ng mga kukote nila. Kaya silang dalawa pinapila ko. O tingnan mo nga naman, nakakain na ako ng meryenda at nakapila pa rin sila.
"O eto ticket mo babes." Abot ni Amira sa akin. "Kadayaan mo di ka na kakain sa loob."
"May pera akong dala. WAHAHAHAA." Paasar kong sinagot.
"Naku, Shar kaya ka tumataba e." Asar pabalik ni Jairus. Nagtawanan kaming lahat.
Nakapasok na kami sa Park. Inhale , exhale, tama si Jai. Kailangan kong balikan ang GOOD memories dahil birthday ni Nash. Inhale, exhale .. Impeyrness iba atmosphere ah, well simula pa lang naman ng enjoyment. Baka may makita akong kakaiba dito. Malay natin si Nash nandito. HAYKUPONAMAN!
Kumain muna yung dalawa habang ako, kumakain din. Ang lakas ko eh! Pagkatapos, ginawa na namin kung ano nga ang gagawin namin. Sakay sakay din sa rides. Matapang tong mga kasama ko. Aba'y kinareer lahat ng rides. Medyo kakaiba nga kaysa dati. Di rin namin maiiwasan na sumakay dun sa mga rides na nasakyan namin ni Nash non, just forget it Shar! Enjoyin mo na lang! Birthday niya! Wag kang magdrama!
*****
"Paano ba yan, nasa last ride na tayo." Sabi ni Jai sa amin habang nakaharap sa malaking ferris wheel.
"Kawawa naman tong ride na to. Lagi na lang huli." Emote ni Amira.
"Kailangan talaga. O sige maiwan ka rito babes." Insulto ko.
"Teka babes tanungin mo si Jairus. HAHAHA!" Sabay tawa.
Papasok na sana kami hanggang sa ..
*guuuuulllllllrrrr kumukulo ang tiyan*
"Mukhang kailangan ko munang kumain ah!" Sabi ko habang hinahaplos ang aking tiyan. Nga naman gutom ako.
"Shar naman oh." Sabi ni Jai nang naka poker face.
"Di sigi okay lang. Kakain na lang ako, sa wala akong sa mood sumakay dyan. Kayo na lang. Moment niyo yan ni Babes." Sabi ko at tinulak na ang dalawa, baka mamilit pa.
Naglalakad ako papalayo para makahanap ng kakainan, may nakita akong fastfood na medyo kalayuan pa. Wala akong choice, gutom ako eh!
Habang dumadaan ako, may nasalubong akong tattoo store. Di ko na sana maalala pero nagspark sa isip ko ang mga nangyari sa lugar na iyan. Huminto ako sa paglalakad at huminga ng malalim. Humarap ako sa tindahan at tiningnan yung kamay ko na mayrong tattoo. Totoo nga ang magic ng lokong yon. Ang natira na lang, yung ulo nung butterfly saka kapiraso nung pakpak, maliit, at halos di ko na makita sa palad ko.
Tutulo na sana luha ko pero napigilan ko. At tumakbo papalayo sa tindahan na iyon. Tumakbo pa rin ako hanggang makadating sa fastfood. Nakabili na ako ng pagkain at nilagay ang sukli sa tray ko. Naghanap ako ng table saka ako nakaupo. Mukha akong loner sa itsura kong ito. Basa ng luha ang mata, gulo gulo pa ang buhok. HAGGARD kamo!
Habang sa kalagitnaan na ako ng aking pagkain, napansin kong nakalutang pa pala yung sukli sa aking 35 pesos sa tray ko. Maitago nga muna. Nung nahawakan ko na yung bente pesos, tila may kakaibang sulat sa likod ni Manuel Quezon ah. Agad ko namang tinalikood ang pera. May sulat. kaso ang liit. Pero tinayaga ko pang basahin.
"Mahal na Mahal Kita Sharlene San Pedro. xNAx"
Sharlene San Pedro? Ako yun di ba? N .. A ? Sino siya?
Teka ..
N - Nash
A - Aguas ..
Kay Nash?
Di ko na napigilan. Tumulo na tlaaga yung luha ko. I still feel the pain. Im broking to pieces. Sinubukan kong pigilan pero lumalabas talaga. Ayan kasi Shar! Manhid Manhid Manhid! Kung kailan huli na ang lahat saka mo to naramdaman! Napaka Manhid ko! Bakit ba kasi ngayon mo lang to nakita? Na delayed ba ng flight si fate? Ang dami ko pang magagawa oh! Kaso ano? YOU.GOT.NOTHING. You desrve this Sharlene, you really deseve this.
"Alam mo Miss, di bagay sa iyo ang umiiyak." May boses akong narinig. Mukhang malapit lang at pang lalaki. Nakayuko kasi ako at medyo pambata ang peg ng pagiyak ko.
"Tahan na." Dagdag pa niya. Wow di pa kami nagkikita ah.
"Sabi na't tahan!" Bigla niya hinawakan yung baba ko para makatingala at tingnan siya. Uuuuw, gwafo.
"Feeling Close Kuya?" Sabi ko habang ganun pa rin ang posisyon namin. Tama na kuya, ang gwafo mo. Oo na.
"Wag kang iiyak ah. Pangit ka kasi pag umiiyak ka." Sagot niya.
"Teka, sino ka ba?"
"Oo nga no." hinawak niya ang kaliwang kamay sa bulsa niya at yung kanan ay nakaturo sa akin. "Julian Trono po, kayo miss?" Pangiti niyang sinabi. Tama na .. Julian? Masyadong pogi di ko kaya.
"Ano ba gusto mo sa akin? Bigla mo kong kakausapin ng ganyan. Duh, were strangers pa no." PINALO Ko yung kamay niya.
"Ngayon hindi na." Simpleng sagot niya. "Alam mo di mo pa sinasabi pangalan mo."
"Sharlene San Pedro. Shar for short."
"Alam mo Miss, este Shar? Kung ang iniiyakan mo lalaki, im still here. Hindi para manligaw, kundi para maipadama sa iyo na, may nagmamalasakit pa rin sa iyo kahi di mo kilala."
"Alam mo Julian. Nakakakilabot ka. Pero tama yang sinabi mo. Thumbs Up."
"Di mo pa ako kilala okay? So friends?"
"Okay."
Its like the Moon turns into Sun in a matter of seconds. Kanina nageemote ako kay Nash ngayon pumasok si Julian para pasayahin ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
--------------------------------------
OOOPS! HANGGANG DYAN LANG! Dapat flashback yan sa book two eh. Pero okay lang ;)
ibibitin ko muna kayo. Kasi sa DECEMBER 1 na ang FIRST CHAPTER ng SECOND BOOK! YAAAAY. Ako excited kayo ba? HOHO
enjoy the rest of the day! READ, VOTE, COMMENT FOR FEEDBACKS PLEASE!
BINABASA MO ANG
Bestfriend [NashLene]
Short StoryMay lalaking bino-Boyfriend at may lalaking bine-Bestfriend. Ewan ko ba kung bakit parehas ang pagtingin ko sa kanilang dalawa. This is Complicated. -Shar-