Friendzoned </3

152 3 2
                                    

CHAPTER 1 

I'm always facing in front of the people wearing a fake smile on my face. Mahirap. Masakit. Konti lang ang nakakaalam ng tunay na nararamdaman ko. Ng problema ko. Ako nga pala si Camille. It's been 2 years since I left him. Hindi kami nagkita o nagkausap. Walang communication. I'm asking myself kung kumusta na siya. Kung ano na ang nangyari sa kanya pagkatapos ng gabing yun. Gabing pareho kaming nasasaktan... 

(Flashback) 

Nagtext si Tristan sakin. Bestfriend ko. 

"Magkita tayo sa park." 

Nagulat naman ako dahil 7:30 ng gabi na. Hindi pa pala siya umuuwi. Pagdating ko sa park, nakita ko ang isang napakagandang place kung saan may naka set na dinner table. Napapaligiran ng mga kandila at petals ng rose. Narinig kong may tumawag sakin sa likod... 

"Camille." 

Si Tristan. Maganda ang suot niya. Iniisip ko, para sakin ba tong lahat? Magtatapat ba sakin si Tristan? Naguguluhan ako pero masaya ako sa nakikita ko. 

"Nagustuhan mo ba?" 

"Oo naman, anong ---" 

Hindi ko na naituloy yung dapat na sasabihin ko. Bigla siyang napayakap sakin. Umiiyak siya sa balikat ko. Bakit? Anong nangyayari? Nasasaktan ako. 

"Tristan, bakit? Anong problema?" 

Umupo kami. Pero hindi pa rin tumitigil yung luha niya sa pagpatak. 

"Camille! Ginawa kong lahat ng 'to para kay Sandy. Dahil magtatapat na ko sa kanya na mahal ko siya pero inunahan niya ko. Hindi niya daw ako mahal. Iba ang mahal niya!" 

Sa pagkakataong iyon hindi ko na napigilan na maging malungkot. Hindi dahil sa binasted siya ni Sandy, kundi dahil sa akalang kong para sakin tong ginawa niya. Naluluha na din ako pero pinilit kong maging matatag. Ayoko malaman niya ang totoo. Na mahal ko siya higit pa sa pagiging mag bestfriend namin. 

(End of Flashback) 

"Hoy Cams." tawag sakin ni Vince. 

"Oh bakit? Haha. Kumusta? Namiss kita ah." 

"Malungkot ka na naman saka para kang timang araw araw kaya tayo nagkikita. Were classmates remember?" 

"English ka pa dyan. Haha masaya kaya ako." 

"Wag ka na nga maglihim sakin. I know your story. Kaibigan mo ko diba? You can confide me with anything." 

Pagkasabi niya nun, heto't natauhan na naman ako. Naging seryoso na din ako sa pakikipag usap sa kanya. 

"Alam ko Vince. And i'm thankful na lagi kang nandyan para sakin. It's been 2 years. 2 years na pero hindi ko pa din siya nakakalimutan..." 

(flashback) 

9pm na pero hindi pa rin kami umuuwi ni Tristan. Nakasandal lang siya sa balikat ko. Umiiyak pa din. Hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin nang bigla siyang nagsalita...

"Camille, thank you ha? Hindi mo ako iniwan. Bestfriend talaga kita." 

Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Kung yung magdamag ko siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan o yung sabihin niyang, "Bestfriend talaga kita." 

"Ako na lang Tristan. Hindi kita sasaktan." 

Sabi ko sa isip ko na minsa'y gusto ko ng totohanin. Gusto ko ng ipagtapat sa kanya na sa loob ng 4 years ng pagkakaibigan namin ay mahal ko na siya. 

Minsan ko ng sinubukang umamin sa kanya pero nawawalan ako ng lakas ng loob. Siguro hindi pa ako handa sa isasagot niya. Hindi pa ako handang masaktan. Pero this time sasabihin ko na. Hindi ko tini-take advantage ang nangyari sa kanya ngayon pero kailangan malaman niya na. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendzoned &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon