HCHM 69

3.3K 62 2
                                    

Twinkle's. 

"I-Ikaw?" Siya yung kasama ni Sheena na pumasok sa isang bar noon. Nung time na nakasalubong namin sila. Nung nakain kami ng ice cream ni Pula. Pati, siya din yung tumulong sa akin na makatayo noon sa bar! Aha! Yung nakasalubong namin at yung tumulong sa akin ay iisa! Kaya pala noong time na tinulungan niya ako ay pamilyar na yung mukha niya! 

"Hi Twinkle!" Bati niya sa akin. He smiled at me. 

"A-ahh, h-hello?" Alanganing bati ko. "S-sige, una na ako ha?" Bakit ba ang dami kong nakakasalubong ngayon? Pati, ano kaya ang ginagawa nito dito? Infairness, ang guwapo pa din niya! Dalawang taon na ang nakalipas ng huli ko siyang makita. Lalampasan ko na sana siya ngunit nahawakan niya ang wrist ko. Napasulyap ako sa kamay niya bago sa mukha niya. "What?" Hinigit ko ang kamay ko mula sa kanya. 

"Woah. Relax," sabi niya sa akin. 

"What do you need?" Tanong ko.

"Mataray ka pala? Noong unang kita ko sa'yo, mukhang mabait ka." Nakangiting sabi niya. 

"Mabait ako. Pero, siguro ----" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "----- hindi sayo," inirapan ko siya at umalis na ako. Naging boyfriend yata siya ni Sheena. Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong sumusunod siya sa akin. Nilingon ko siya. "Ano ba?" 

Nahihiyang ngumiti siya at naglakad palapit sa akin. "H-hehe. Wala lang. Transferee kasi ako dito." Napakamot siya sa batok niya. "Puwede makipag-friends?" Inilahad niya yung kamay niya sa akin. 

Napatingin muna ako sandali sa kamay niya bago sa mukha niya. Mas guwapo siya kapag tinititigan. Tinanggap ko na lang din yung kamay niya. "Okay," sabi ko. Tumango na lang ako sa kanya at iniwan ko na siya. 

Wala talaga ako sa mood ngayon. Lintek na Mae na talaga yun. Palagi siyang pampasira ng buhay ko ngayong college, eh. Nawala nga si Sheena, pumalit naman ang Mae na yun. Letse lang talaga! 

"T-teka. A-ano ba?!" Nagulat ako nang biglang may humila sa akin. Nagulat ako nang makita ko yung lalaki kanina. Binatukan ko siya. "Ano ba?! Nakakatakot ka naman, eh!" 

Ngumiti siya sa akin. "Ako si Jayvee." 

Tumango ako sa kanya. "Oo na! So, puwede na ba akong umalis?" 

Umiling siya. "Hindi pa. Sasamahan kita. Mukha kasing badtrip ka eh. Malay mo, kapag pumayag ka na samahan kita, maging masaya ka diba? Minsan lang ako mamansin ng babae kaya pumayag ka na, okay?" Sabi niya at hinila na niya ako. 

Justine's. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon