"I want you to know that there were nights that i prayed that you're the one for me. The one that wouldn't leave. The one that wouldn't break my heart. The one that would stay. The one that i would spend the rest of my life with. "To the one that I never had... Gusto ko lang sabihin sayo na Thank You!.. Thank you kasi sa mga panahon na magkasama tayo hindi ka naging pabaya. Thank you kasi kahit saglit, naramdaman ko na special ako. Thank you kasi kahit may hyperhidrosis ako wala kang pakialam, nakikipag apir at shake hands ka parin sakin. Thank you kasi kahit mataba ako wala kang pakialam sa kung anong timbang ko. Thank you kasi kahit alam kong ayaw mong nag t-text or nag t-type nirereplyan mo parin ako. Thank you kasi kahit pagod ka sa araw ng mga raket mo nagagawa mo parin akong replyan at the end of the day. Thank you sa butterflies at confetti sa buong paligid pag nanjan ka (na ako lang ang nakakakita). Thank you sa mga binigay mong memories sa loob ng isang buwan na alam kong imposible nang maulit muli.
Ikaw yung tipo ng tao na masayahin kahit pagod na pagod ka na, sobrang hinangaan kita kasi kahit sobrang busy mo sa mga raket mo, na manage mo parin yung time mo para sa studies mo. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sayo. Ibang iba kasi yung pag kaka-kilala ko sayo. Ang alam ko gentleman ka, God fearing at open minded. Yung mga tipo ng tao na pinag darasal ko. Alam mo bang pinag dasal ko na sana ikaw na, sana ikaw nalang.
Ikaw pa nga yung nag isip ng tawagan natin na Popoy at Basha. Miss na miss ko na yung mga time na halos araw-araw tatawag ka pa sakin para lang alamin na nasa dorm na ako, kung naka kain na ba ako at kung sino ang kasama ko. Yung mag ch-chat ka sa gabi para lang sabihin na nasa bahay ka na or kung nasaan ka man. Yung mag ttext ka pa ng good morning. Yung pag pasok mo palang sa may pinto ng center alam kong nandun ka na at sobrang excited na ako lumabas para makita ka. Yung sobrang excited kong pumasok sa center kasi makikita nanaman kita, kasi alam kong magiging masaya nanaman ang araw ko. Yung feeling na tayong dalawa lang nag kakaintindihan kahit marami tayo sa center. Yung mga araw na tawa tayo ng tawa kahit sobrang babaw ng dahilan. Yung pag labas ko naayos mo na lahat ng gamit ko at naitapon mo na rin yung mga kalat ko kahit wala naman akong sinasabi sayo na gawin mo. Yung sobrang concern mo pa kahit yung sandalan lang ng uupuan ko aayusin mo pa. Yung lagi tayong sabay nag lalakad palabas ng center pag uwian na. Yung araw araw kang kumakanta sa tabi ko ng "Stay- by Daryl Ong". Yung sinabi mo pang "di ko na alam gagawin ko pag wala ka". Yung pagsabi mo ng "Tayo na?!" pag sinabi kong tatayo (stand) na. Yung tipong iwas na iwas na ako sayo, kasi natatakot akong masanay na lagi kang nandyan, pero kahit anong gawin ko ikaw parin yung lumalapit.
Makalipas ang isang buwan, ng uusap parin tayo pero "we don't talk anymore like we used to.." Sinanay mo ako sa araw araw na nadyan ka. At ngayong wala ka na hinahanap-hanap na kita. Ang hirap talaga mag detach. Alam ko hindi sana ako umaasa kasi mula palang naman nung simula alam kong hindi mo ako gusto at iba ang mga tipo mong babae. Pero bakit mo pinaramdam na iba ako sakanila? Bakit ka nag pakita sakin ng mga bagay na hindi mo mapakita sa kanila?
Kahit sa kabila ng mga nababalitaan ko sayo na hindi maganda, ang nakikita ko parin ay yung positive side mo. Kahit alam kong ginagamit mo lang ako para gumawa ng mga requirements mo okay lang kasi akala ko mas magugustuhan mo yun. Minsan nga mas naisip ko pa ikaw kesa sa sarili ko kahit nabalitaan ko nang meron naman pala talagang nag mamayari ng puso mo, kahit hindi mo inamin sa loob ng isang buwan na pangungulit namin sayo.
Ngayong masaya ka na, masaya na kayo.. Di na kita guguluhin. Wala naman kasing naging malinaw satin.. Wala naman kasing "tayo". Hindi ko na rin masabi sayo lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko maamin kung ano ka ba sakin. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko kasi sobrang miss na miss na kita. . .
Well, Thank you kasi kung hindi kita nakilala, hindi ko alam kung anong pakiramdam ng pinaasa.. At ngayon sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ba kasi ako umasa? Hindi ko sana pinilit yung sarili ko at di ko na sana pinagdasal na baka ikaw na... Na baka maging "tayo" pa..
MU (Mag-isang Umibig),
Bash