Vey Bunso,Salamat Sa Iyo:)

306 6 9
                                    

one day,isang araw,

while eating my bahaw,

sa aki'y may nagfan

HARVIEXZZ123 ang pangalan.

ako'y nagulantang

sa aking natuklasan.

siya pala'y kabilang 

sa kalalakihan.

nang aking tanungin ang edad niya,

secret daw at matanda na siya.

kaya napilitan akong siya'y kulitin.

yun naman pala siya lang ay fiteen.

ako ay totoong natutuwa sa kaniya.

nakahiligan na niya kasi ang pagbabasa.

marami raw siya ditong natututunan.

ang masasabi ko,"agree ako diyan!"

ngunit ang talagang sa aki'y nagpahanga

ay ang pagkaalam na siya'y aking kapuwa makata.

sa balagtasan-kuno,siya ang nagsimula

sa pagbigkas ng malalalim na salita.

napahanga DAW siya sa aking tula.

dahil dun,ako nama'y nahiya.

yun lang naman kasi ay tula ng paghingi ng kapatawaran

sa kaibigan kong aking nasaktan.

by the way,kung gusto niyong makita

ang sinasabi kong kanyang pagkamakata,

ang profile niya'y inyong bisitahin

at ang message board niya'y inyong basahin.

ay!vey bunso,pasensiya ka na.

ikaw ata'y aking naikampanya.

yaan mo na,masaya naman yan.

malay mo,dumami pa lalo ang iyong kaibigan.

tanda mo ba nang mangako ako

na gagawa ako ng tula para sa'yo?

gumawa agad ako ng gabi ding yun.

ikaw kasi ang aking inspirasyon.

ginising mo kasi ang isa sa aking mga pagkatao.

at iyon ay ang pagiging makata ko.

iyon man ay matagal ko nang naitago,

ito'y nagbabalik,salamat sa iyo.

inspirasyon na kita,pati na ang iba

na nakakaappreciate sa aking tula.

asahan niyong mas pagbubutihan ko pa

ang paggawa ng tulang masaya.

sana'y iyong nagustuhan

ang tula kong sa'yo ilalaan.

ito'y kwento ng simula ng ating pagkakaibigan

na sana kahit kailan ay 'wag maparam.

A/N:ayan talaga ang makata side ko.napapasabi ng deep words.sana,sana lang,hindi siya boring.hihi.

okay,may video sa tabi...hindi kaming dalawa yan ha?nacute-an lang ako.anime-lover kasi ako.hihi.

Vey Bunso,Salamat Sa Iyo:)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon