CHAPTER 1
#JollibeeRomance #Wattys2016 #OnceUponAJollibee
Sa di inaasahang pagkakataon, may bigla nalang darating sa buhay mo. Papasayahin ka at paiibigin. Ipaparamdam sayo na special ka, na masaya siya pag kasama ka niya. At akala mo siya na talaga. Akala mo dumating siya para mag-stay, yun pala tulad lang din siya ng iba na iiwan ka.
- Lai Villarosa
Maycee's POV
Hi, I'm Maycee San Juan. 21 years old. Studying Hotel and Restaurant Administration sa isang sikat na University. Graduate na dapat ako kaso I stopped before kasi poor kid e.
Minsan masayahin ako pero madalas malungkot. Sanay na laging mag-isa. Kaya nga loner ako noong unang sem ko sa school na 'to. Nasa library lang ako lagi. Nagbabasa ng libro, nagsusulat ng notes, o di kaya nagsusurfing sa electronic library. Until such time I met Yle Gamboa. Naging kaklase ko siya noong 2nd year pa ako 1st sem.
As of now 3rd year na ako. Madami dami na rin ang naging friends ko. Ito lang talaga si Yle ang lagi kong nakakasama kasi magkapareho lagi ang free time namin. Babae siya, tunog lalaki lang name niya haha. She's kinda immature but it's okay. Ako nalang ang naga-adjust kasi I'm much older than her.
We were walking down the stairs. Pagdaan namin sa canteen hinarang kami ng isang lalaki na may dalang flair bottles.
"Mga ate, sali na po kayo sa org namin. Madami po kayong matututunan dito."
"Sasali po talaga ako."
Sagot ni Yle sa lalaki. Ako? Ngumiti lang haha! Wala naman kasi akong hilig sa flairing nu. Nakakaloka! Sa ibang org naman talaga ako sasali. Kaso di ko na naabutan yung booth nila kaya sinamahan ko nalang si Yle mag sign up dito.
"Ate, sali ka na din. Sige na po. 80 pesos lang po ang registration fee. Masaya po sa org namin, madami kang matututunan at makikilalang new friends. Please?"
Pakikiusap ng President ata ng Flair Bartappers. Eh nahiya naman ako, so ayun nag sign up na rin ako hahaha. Wala sa isip ko yung pagsali sa org na 'to, try ko lang kung magugustuhan ko ba.
Pagkatapos namin mag sign up, lumabas na kami ng school. Dumiretso kami sa Jollibee. Nag order kami ng burger steak, fries, coke float, yum burger at chicken joy. This is our all time favorite. Di namin ipagpapalit sa kahit anong pagkain. We do love Jollibee so much! We find comfort in foods here in Jollibee. Ito na yung bonding namin, ang pagkain ng sabay. We treat each other like real sisters.
"Alam mo te, mababait sila lahat. Hindi ka maiilang sa kanila."
"Talaga? Eh di mabuti kung ganun."
"Si kuya Gil ang bet ko dun e. Mabait siya pero makulit. Ang cute pa niya dahil sa dimples niya."
"Luh siya oh! Crush mo? Landi! Kaya ka pala sumali?"
"Haha hindi po. Dimples lang naman. Mas gusto ko pa din si kuya Josh."
Grabe tong batang to! Kinabog pa ako. Daming gusto. Kutusan ko na kaya 'to? Hahahaha.
"Dual sim puso mo be? Hahaha ikaw na!"
"Si ate talaga. Si kuya Josh nga lang po sakin."
"Okay, sabi mo e."
Pagkatapos namin kumain, naghiwalay na kami. Di kasi kami magkaklase, noong last sem lang.
BINABASA MO ANG
You're My Only Patty
RomanceThat feeling when you're starting to fall in love with someone but suddenly he tells you the truth that totally broke you.