NAGING maganda ang ending ng movie date nila ni Swan kahapon. Hindi na rin niya ito pinabalik ng shop nito. Ipinasyal niya pa ito sa kung saan-saan dahil birthday na nito kinabukasan.
At dahil pinipilit niyang bigyan ng kaluguran ang misis, ibinigay naman ng Diyos sa kanya ang kanyang nais. Noong gabi ay pinayagan siya ni Swan na matulog sa kuwarto nito.
The night ended with funny discourses and with a long sweet embrace. Jackpot na iyon para sa kanya.
6am...
Maingat niyang hinaplos ang makinis nitong mukha habang natutulog pa rin ito. Kaaiba talaga ang epekto ng pinanood natin kagabi, isip niya habang pinagmamasdan ang magaganda nitong mga labi. I am glad we did go and watch it... Sandali siyang natigil sa pagmamasid. Marami siyang nar-realize sa pinanood kaya naman iba ang pagpapahalaga niya ngayon para sa asawa. Basta ang gusto ko lang gawin ay pasayahin ka sa araw na ito, 'coz you deserve it darling... Sinakop ng mga labi niya ang malalambot nitong mga labi.
Tumunog bigla ang cellphone niya. Napaungol siya sa inis. Dahan-dahan niyang inalalayan ang ulo nito papalayo sa braso niyang sinasandalan nito. Nang makitang mahimbing pa rin ang pagtulog nito saka niya tiningnan ang cellphone.
Nakita niya ang pangalan sa screen, Vera Calleon. Tumambad agad ang itsura nito sa isipan niya. Isang matangkad na babae na creamy ang complexion na maliit ang baywang pero opposite ang size pagdating sa balakang at dibdib.
Binasa niya ang text.
Kumusta na! Ang daya mo, hindi mo na ako binalikan. May problema nga pala sa yacht na binenta mo sa akin. Hope to see you soon! May winking emoticon sa may dulo ng message.
He instantly became tense.
Paano nga ba siya muling makikitungo sa babaeng naging pinakatatanging confidant ng halos dalawang linggo matapos siyang lisanin ni Swan?
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...