My Dream Guy(One-Shot)

835 16 9
                                    

"Wow ! Ang ganda naman!"-manghang sabi ko habang nakatingin sa mga christmas lights na nakasabit sa mga puno.

Naglakad pa ako hanggang sa nakita ko na marami ding rose petals na nakakalat sa sahig.

"Bakit kaya may ganito sa school?"-tanung ko sa sarili.

Sinundan ko yung mga petals hanggang makarating ako sa likod ng building ng college namin.

Nagulat ako sa nakita ko. May mesa at dalawang upuan ang nandun. Sa paligid nito ay mga naggagandahang ilaw at sari-saring mga bulaklak.

Mas lalo pa akong nagulat ng lumabas sa may likod ko yung taong nagpapabilis ng tibok ng puso ko, yung taong sa bawat galaw nya napapakilig ako, yung taong hindi nya alam na nabubuo nya yung araw ko tuwing makikita ko siya at yung taong matagal ko ng minamahal ng palihim.

"Para sayo Rhisa."-sabi nya ng nakangiti habang inaabot sakin yung bouquet of roses.

"B-bakit may ganito Ian? P-para saan to?"-nauutal kong tanung.

"Gusto kita Rhisa, Mahal kita."-sagot nya sabay hawak sa mga kamay ko.

"Ikaw lang yung babaeng nagpadama sakin ng ganito. Na sa bawat pagngiti mo napapangiti na din ako. Sa tuwing tumitingin ka sakin nakikita ko yung babaeng gusto kong sabihan ng I DO sa harapan ng pari. Ikaw yung gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko, maging lola ng mga magiging apo ko at ikaw yung gusto kong makasama hanngang sa pagtanda."-seryosong sabi ni Ian.

Hindi ko na napigilan na mapaiyak sa tuwa dahil sa mga sinabi nya sakin ngayon. Sobrang tagal ko ng inaantay na marinig yun mula sa kanya. Hindi ko akalain na mamahalin din ako ng isang Ian na dati ay pinapangarap ko lang mula sa malayo. 

"M-mahal din kita Ian noon pa. S-sobrang tagal na di ko na alam kung kelan ko naumpisahan na mahalin ka. Bakit ako Ian? Marami namang iba diyan na mas bagay sayo."-naiiyak kong tanung sa kanya.

"Hindi ko din alam Rhisa kung bakit ikaw. Basta na lang tuwing nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko."

Pareho pala kami ng nararamdaman kapag nakikita ko siya.

"Naaasar ako sa tuwing makikita kang may kausap o kasamang ibang lalaki. Naiisip ko na baka maagaw ka nila sakin."

Ako din ganyan sa tuwing may kasama kang babae.

"Nagagalit ako sa sarili ko tuwing dadaan ka sa harap ko na hindi manlang kita makausap dahil nahihiya ako. And then I realized na mahal na pala kita Rhisa Gaile Villanueva."-Sincere nyang sabi sakin.

Hindi ko maexpain yung nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magtatalon habang susisigaw dahil sa mga nalaman ko.

"Alam mo bang pareho lang tayo ng nararamdaman tuwing magkikita tayo sa school. Nahihiya akong kausapin ka kasi baka di mo ako pansinin. Kaya hanggang tingin na lang ako sayo habang iniisip na balang araw mamahalin din ako ng isang Ian Reyes. Mahal na mahal kita noon pa."-yinakap ko siya ng sobrang higpit.

Maya maya bumitaw siya sa pagkakayakap at tinignan ako ng seryoso. Naramdaman ko na lng na unti unti ng lumalapit yung mukha nya sa mukha ko. Ayan na sobrang lapit na ng labi nya sa labi ko...

"BLAAAGG!" 

Narinig kong nalaglag yung librong hawak ko kanina. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nagbabasa sa kwarto ko.

PANAGINIP LANG PALA ang lahat!

Natawa ako. Hanggang sa panaginip ko lang talaga nakakasama si Ian. Sa panaginip lang talaga mangyayari yun...

My Dream Guy(One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon