Secrets (One shot)

154 3 0
                                    

1 new notification

"Classmates! Reunion naman tayo!"

Aba, inaamag na 'tong group na 'to ahh. Lagpas 5 years na walang nangyayari sa group na 'to pamula nung may huling nagpost dito ahh. Naisip ko na ngang magleave dito kaso nakakahiya naman kasi wala ni isa sa mga classmates ko nung grade 6 ang naglileave dito, baka sabihin nila, kinalimutan ko na sila.

"Go ako dyan"

"Sure! Kailan?"

"At saan"

"Onga! Namiss ko rin kayo e"

"Sana matuloy, diba nga yung outing dapat after graduation di natuloy."

"Wala yan, di matutuloy yan, hahaha"

"Ganyan tayo e"

Yung mga nagcomment lang sa post na yun ay yung mga hindi lumipat ng school sa highschool.

After 1 month

Yes, nagulat ako kasi natuloy nga yung hinihiling nilang reunion. Guess what, swimming pa! Buti na lang pinayagan ako, pero sa totoo lang, di ko inexpect 'to. Kasi usually, ang grade 6, hindi ganun kamemorable tulad ng 4th year highschool na tipong irereunion pa diba. Ewan ko lang.

Pagkapasok ko ng resort, nagulat ako kasi nagsigawan sila, nagtakbuhan palapit sakin, at niyakap ako. Marami-rami na rin kami, mga kalahati. Nagkamustahan, kwentuhan at usap usap kami. Ang saya nga kasi yung usapan namin, hindi awkward, parang kung pano lang kami magusap nung grade 6.

"Uyy Jess may hinihintay ka ata ahh" sabi ni Monique

"Wala ahh :P"

"Wushuu, si JM no?" sabi naman ni Zam

"Tssss."

Si Jm, bestfriend ko na naging crush ko tapos nung nalaman nya, di na kami masyadong nagpansinan kaya di ko na sya bestfriend at di ko na rin sya crush.

"Ayan na Jess. Ayiee! Nice one!" asar sakin ni Kathlyn

"Uyy ano ba kayo. Hahaha"

"JM! Si Jess nadito oh!" tinawag sya ni Hanzel tapos pinapunta samin

"Uyy Jess! Musta na?" tanong ni JM

"Huh? Okay lang :)"

"Sige punta lang ako dun ahh"

Nagsmile na lang ako. Urghhh kasi naman 'tong mga 'to e. Awkward tuloy.

Nagusap usap ulit kami. Ang dami ko ngang nakwento sa kanila e. Halos 30 mins na ang nakakalipas, ewan ko, parang may inaabangan pa rin ako. Di ko alam, di ako mapakali, kailan kaya sya dadating, dadating pa kaya sya, nandito na nga yung pinsan nyang si Kathlyn tapos sya wala pa, bakit wala pa sya?

[Flashback. Flashback. Flashback. Flashback. Flashback. Flashback. Flashback. ]

"Jess, dun ka sa likod ni Jeet"

Pumunta na ako sa pwestong yun, pinagpapalit palit kami ng upuan kasi kami ang pinakamagulong section, baka sakaling umayos kami pag nagiba kami ng seating arrangement.

"Axle, sa likod ni Jess"

"James, sa likod ni Christrine"

"Ayan na ang bago nyong seating arrangement. Ayoko na may lumilipat ng upuan sa inyo ah. Ang lumipat ng upuan will stay. Jess, gusto kong bantayan mo sina Jeet, James at Axle ahh"

"Yes Ma'am"

Ganito kasi yung pwesto namin. Ang katabi ko sa right ay pader, sa harap si Jeet, katabi ni Jeet sa left ay si Christine, sa left ko naman ay si James, sa likod ni James ay si Kyle, sa likod ko si Axle at sa likod ni Axle na pinakalikod na ng row namin ay si Mark. Gets nyo? Idraw nyo para makuha nyo. Hehe

Secrets (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon