Habang naglalakad kami papunta sa lugar kung saan kami magtatayo ng camp, inaayos ko na yung mukha ko. Yes, mukha ko talaga. Pinunasan ko nang pinunasan yung kalmot ni Liezel sa mukha ko, buti na lang parang scratch lang yun pero yung sugat ko sa noo, humahapdi talaga ng bongga. Okay lang, nakabawi naman ako sa kanya kasi malalim yung mga kalmot ko sa leeg n'ya. Isipin mo na lang teh, kunyari kalmot yan ng pagmamahal.
"Taray. So kelangan nagkakalmutan kayo para maagaw n'yo yung atensyon ni Sir?" bulong ni Jen sa'kin. Sumabay s'yang maglakad sa'kin. Nasa likudan namin si Ejay tsaka sila Reno. Nauna na naman ulit si Sir kasabay si Liezel.
"Nauna s'ya." Tapos tinignan ko yung kuko ko. Lalo tuloy akong nagalit na naman kay Liezel. Dahil sa kanya, nabali yung magaganda kong kuko. Bwiset.
Chi-chika pa sana si Jen kaso natalisod na ako sa may malaking ugat ng puno. Hindi ko kasi napansin kasi nga wagas yung pagkakatingin ko sa kuko ko. Medyo malakas yung pagkakatalisod ko at kung wala si Sir sa unahan namin, malamang pinulot na nila ako sa lupa ngayon. Tumama yung... ahhh... boobs ko sa likod ni Sir. Grabe, namumula yung mukha ko. Sa sobrang bilis kasi ng pangyayari, hindi na ako nahatak ni Ejay eh. Nagulat lang naman si Sir. Tapos to the rescue na kaagad si Ejay sa likod ko. Kaya nagbounce back ako paharap sa kanya.
"Okay ka lang?" tanong ni Ejay.
Hinawakan ko yung paa ko na naipit sa ugat. "Onti."
"Want a piggy back ride?"
Tapos nagdalawang-isip ako. "Hindi naman PDA toh. Tsaka you're hurt."
"Sige na, pumasan ka na sa kanya. Ako na magdadala ng knapsack mo," sabi ni Sir. Wehh? Parang galing naman sa ilong yang sinasabi mo. Tapos naramdaman ko na lang na kinukuha n'ya na sa balikat ko yung bag ko. Hindi pa nga ako umo-okay eh. Excited much?
Pinadala ni Ejay kila Don yung knapsack n'ya tapos sumakay ako sa likudan n'ya. Habang naglalakad kami, iniisip ko talaga yung pagkakadikit ng boobs ko sa likod ni Sir. Pero ngayon, hindi ko naman naiisip na nakadikit yung boobs ko sa likod ni Ejay? Nakapasan kasi ako sa kanya eh. "Mabigat ba ko?"
"Sa liit mong yan tingin mo mabibigatan pa ko sayo?"
"Eh di ikaw na malakas."
"Masakit ba yung paa mo?"
"Hindi naman," sagot ko. Naka-lean yung baba ko sa balikat n'ya.
"Hindi naman pala eh. Baka gusto mo lang talagang magpapasan sa'kin?"
"Hindi ko naman sinabing pasanin mo ako ah. Ikaw ang nag-suggest, hindi ako."
"Yung sugat mo, masakit pa?"
"Mahapdi," sabi ko tapos kinagat ko yung tenga n'ya. Nagugutom na ko eh -.-
"We're almost there, I guess," sigaw ni Sir sa amin. Sure ka Sir? Hindi ba tayo naligaw?
"Ayy oo nga!" sigaw naman ni Jen.
Pagdating namin sa malaking open area, binaba na ako ni Ejay. Pang-apat kaming group na nakarating dun. Naabutan namin yung ibang groups na nagtatayo na ng mga tents so naisipan din naming magtayo na nang sa'min sa lugar na napiling pagtayuan ni Sir.
"Kayo na bahalang magtayo ng tent. I'll go back to the woods para makapaghanap ng mga kahoy para sa bonfire mamayang gabi," sabi ni Sir sa'min. Binaba n'ya na yung knapsack ko at yung sa kanya sa gilid kasama nung mga bag nung iba naming kasama. Umalis na si Sir at himala namang umupo lang sa gilid si Liezel at halatang-halatang walang balak na tumulong magtayo ng tent.
"Boys, kayo na lang magtayo ng tent ah? Maghahanap na lang din kami ni Gwen ng panggatong," sabi ni Jen tapos in-arbor n'ya na yung braso kong hawak ni Ejay. Tumakbo kami palayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...