chapter 53

282 8 11
                                    

"Hindi mo ba toh na-miss?" tanong n'ya. Ang pogi-pogi n'ya lang kapag lumilingon s'ya sa'kin habang nagda-drive. Yung mga ganitong mukha talaga hindi dapat kinakalimutan eh.

"Alin?" patay-malisya kong tanong.

"Having a ride with me." Kelangan husky ang boses kapag sumasagot?

"Hindi eh."

"Ako, miss ko."

"Hindi ko tinatanong," sagot ko. Eh ano ngayon sa'kin kung miss n'ya, di ba?

"Bumabalik na naman yang pagiging masungit mo."

"Bakit? Dati pa naman akong masungit ah," sagot ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

"Sa'kin ka lang naman ganyan eh pero sa ibang tao ang bait-bait mo. Pero okay lang, kunyari special treatment mo yun sa'kin."

"Bakit ba ayaw mo pa akong tigilan? Hindi ka ba nagsasawa?"

"Ngayon pa ba kita titigilan? I've come this far. Alam kong mahal mo din ako. Actually nagsasawa na nga ako eh. Nagsasawa na ako sa ganitong set-up na patago kitang tinitignan sa school. Patago kitang kinakausap at hinahatid pauwi when in fact gustong-gusto kitang ipagmalaki."

"You know you can stop doing this if you're tired na." But honestly, hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko kung titigil s'ya.

"I'm not going to give up. Lalo na ngayon na alam kong you have feelings for me and you let go of your worth-for-nothing boyfriend ng dahil sa'kin." Whaaat? Worth-for-nothing huh?

"What a confidence."

"EX-boyfriend pala."

"Kung hindi ka titigil dyan, pwede bang ibaba mo na lang ako?" sabi ko. Kalmado pa naman ako kaso, nakakainis eh.

At sa wakas, nanahimik din s'ya hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagbaba ko...

"Thank you sa jacket mo ha? Salamat talaga," tapos inabot ko sa kanya yung jacket n'ya. I really try na palambingin yung boses ko pero wala naman akong intensyon na akitin s'ya.

"Sayo muna," inaabot n'ya pabalik sa'kin yun. Kulang na nga lang ipagpipilitan n'ya sa'kin eh. Pero hindi ko kinuha. Gusto ba talaga n'yang ipagamit pa sa'kin o gusto n'yang labhan ko muna?

"Wag na. NASA'KIN PA NAMAN YUNG JACKET NI EJAY EH," kelangan all caps eh. Kasi talagang pinagdiinan ko pa yun sa kanya.

"I see," sinampay n'ya yung jacket sa balikat n'ya tapos nag-smile. Eh?

"Salamat sa paghatid, ingat ka," tumalikod na ako.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

"Hindi. Gusto mo ba?" nilingon ko s'ya. Naglalakad na kasi ako sa pathwalk nun.

"Kung okay lang ba sana sayo eh," nakatayo s'ya sa gilid ng kotse n'ya at nakapamulsa.

"Hindi okay eh," tapos tumalikod na ako.

"Bakit ba ang sungit mo ngayon?"

"Ngayon lang ba? Palagi naman akong masungit sayo ah," humarap na ako sa kanya. Isang hakbang ko na lang nasa front door na ako.

"I love you," sabi n'ya. Hala baliw.

"Alam mo, SIR," kelangan talagang pinagduduldulan ko yung SIR sa mukha n'ya eh. "Mukhang masyadong maraming hangin yung pumasok sa utak mo kaya umuwi ka na sa bahay mo. Pagod ako eh, pagod ka din. Pwede bang magpahinga na ako?" tapos tinuro ko yung loob ng bahay namin with my thumb. Feeling ko magkakasakit ako.

"Yun na nga eh. Pagod ka, pagod din ako. Baka naman pwedeng sabay na tayong magpahinga?"

"Gusto mo na din magpahinga?"

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon