[ My Ugly Angel ] Chapter 2

167 14 7
                                    

[ Amesha's POV ]

Hindi ako makatulog , Tiningnan ko lang siya ang mga mata niya at ang ilong niya yung mga labi niyang mala mansanas ang kulay , kinuha ko yung Unan niya sa Sofa at humiga ako , Ang lambot naman ng Kama niya , Di ako Makatulog , Di kasi ako natutulog eh. 

Sa itaas , di ka pwedyng matulog kasi di karin dadalawin ng Antok dun dahil sa binabantayan mo ang iyong Amo which is ikaw ang Guardian Angel nila , Bumangon ako sa Kama , ang hirap Matulog , Pumunta ako sa kusina , pinuntahan ko yung Ref. sa pagka alala ko 

Flashback ~

" Kapag may makita kang Malaki na Square na may Pinto , Pwedyng isang Pinto at Pwedyng Dalawang pinto , Basta Refrigerator yan . "

End of flash back ~

"Alala ko na , Ref tawag dito , Ref nga ." -binuksan ko yung Malaking pinto sa Ref may maliit pero di ko binuksan binuksan ko yung nasa baba . ang laki kasi , dahan dahan kong binuksan ang Ref ngunit umilaw siya kaya sinirado ko. at binuksan ko ulit , Ang ginaw naman , "grrrrrrrrr." Ang lamig naman , Na miss ko na yung Laro namin sa Snow mas Maginaw pa doon kesa dito . kinuha ko yung mga Pagkain at iba pa , at kinuha ko yung parang paglagyan ng Pagkain , at umupo ako dun , at sinirhan ko. I love it . Dito nalang ako Uupo. 

[ RAPHAEL'S POV ]

Pagdilat ko sa mata ko , Tiningnan ko muna sa kanan ng kama ko baka nandoon ang Pangit na Anghel ko , " Haaay , Salamat . "Sa kaliwa naman , "Oh lord Thankyou." Bumangon na ako sa kama ko at Pumunta sa Kusina , di pa masyao mulat ang Mata ko , binuksan ko ang Ref. at kinapa ko yung kamay ko para makuha ang tubig per--

Gising ka na pala ? "Napaatras ako sa nakita ko , Ang Anghel kong pangit ay totoo ? " Bakit kaba anjan ? Bakit di ka pa Umaalis ? " Lumabas siya sa Loob ng Ref , Doon ba siya natutulog ? Put*k! " Wag kang Lumapit sakin." kaya huminto siya

" GoodMorning :)) " Nakakamatay ang ngiti niya dahil sa kapangitan niya ! Naiinis ako . *hwaaaaa* , 

" Kumusta Tulog mo ? Raphael ? "

Alam niya name ko ? Ano ba sino ba siya !! Di siya Anghel! Please naman , Ayaw ko pang mawala sa Mundo baka pagmawala ako WALA ng GWAPO ! >.<

" Lumabas ka nga dito , baliw ka ba !! Magnanakaw ka siguro .. "

I grab her papuntang Door , para makaalis siya , binuksan ko yung pinto , " Umuwi kana. "

" Sa langit nga bahay ko eh . Papasukin mo ako ang Init dito . "

Akala ko ba Anghel siya ? Natatakot siyang Maitim ? Infairness . " Hoy , babae ka , 7:00am pa lang , kaya ang init na yan may Vitamins pa yan . wag kang O.a !"  Umalis na ako sa Pinto ni lock ko yun para  di siya makapasok , at tinawagan ko yung Police.

" Hello , Andrew , Pwedy ka bang pumunta sa bahay ko ? May Bababe kasing naka pasok sa bahay ko kagabi pa siya."

" Oh. Sge , "

binaba ko na yung Phone , Kaibigan ko si Andrew , isa siyang Police , Sa di kalayuan maririnig muna ang Police Truck parang Fire Alarm Hahaha. kaya Lumabas ako , nakita ko si Andrew Tiningnan ko lang si Anghel na Pangit at Alam na niya ang Ibig kong sabihin kaya Dinakip na si Anghel na pangit nina Andrew.

" Teka , Bat may posas kang dala po ? "Tinuro niya yung Posas ni Andrew " Police kami , Nireklamo ka ni Raphael sa walang hintulot na pasukin ang bahay niya." Tiningnan niya ako at muling tiningnan si Andrew " Hindi po , Sa bubong po ako galing at pumasok ako dito at ito po ay inutos sa akin sa itaas po. " Nagtawanan lahat ng mga Police at ako rin , Sa bubong ? Magnanakaw talaga siya , Pangit pa Magnanakaw pa.

" Totoo po yung Sinabi ko po. " Tumingin siya sakin " Diba Raphael ? diba ? Sinabi ko na sayo to kagabi . " Kinuha na nila si Anghel na Pangit at nakita ko nalang na Kumaway sakin si Andrew na nagpapahiwatig na Pupunta na sila.

[ Amehsa's Pov ]

Dinala nila ako sa Kulungan , Ang Alam ko dito inilalagay ang mga Criminal ngunit Hindi ako isang Kriminal akoy isang Anghel. "Paumanhin na po , at Gusto ko na pong pumunta sa bahay ni Raphael para magawa ko po yung Mission ko." Nagtawanan na naman silang lahat. Ano ba ang mga katagang sinabi ko at itoy totoo ngunit walang naniniwala . Ang Hirap naman nila.

Kinuha ko yung Feather necklace ko , [ Amesha , Tawagin mo lang ang Pangalan ko kapag kailangan mo ako - Anghel Rica ] naalala ko nung sinabi niya sakin kaya bumulong ako sa Necklace ko . " Anghel Rica " Pagktapos kung sinabi yun umilaw siya ng konti at tinakpan ko siya. Alam na ni Anghel Rica ang gagawin niya kapag kailangan ko ang tulong niya dahil may kakayahan siyang BUmasa ng Isip ko at sa iba pa.

" Bumaba ka na jan Miss. " Sabi ng Police sa akin , bumaba naman ako at pumunta sa Opisina sa Preso , Tinanong nila ang Pangalan ko

" Amesha nga ho ang pangalan ko kanina pa po ako sabi sa pangalan ko po."

Tumawa na naman sila , Ngayon ? Pangalan ko na naman ang Pinagtawanan nila .

" Miss. Sinasayang mo yung Oras namin , halos isang Oras na tayong paulit ulit ang tanong natin at AMESHA parin ang pangalan mo . Galing kaba sa Mental Hospital at nag ka Amesha ka at naging Shunga ? "

Sa pagkakaalam ko ang Mental Hospital ay para sa mga taong baliw. Hindi ako baliw. baka ang Police  " Nagsasabi po ako ng totoo ako po si Ame--. "

Di ko natapos ang Sasabihin ko kasi may nagsalit sa Likuran " Pasensya na po Chairman nagkakamali po ako siya po ay isang katulog ko , nag aaply po siya sakin . Pasensya na po." Kinuha niya yung Kamay ko at " Sa susunod Wag kang tumawag sa Police station kung Di ka sigurado. You may Go out now." Nag Bow lang si Raphael , Salamat naman Anghel Rica , at tinulungan mo ako .

Naglakad kami patungo sa Maraming Kotse may nakasulat na PARKING LOT binuksan niya yung Pinto sa Kotse niya " Sakay na. " Kaya sumakay ako at nagpaandar na siya ng Kotse niya " Salamat pala at Naniwala kana sakin . " Hindi siya kumibo hanggang sa Nakarating kami sa bahay niya at Hanggang sa bahay di parin siya kumibo , Pumunta lang siya sa Kwarto niya. at doon ako nakakuha ng tyempo para tanungin si Anghel Rica

" Anghel Rica. Magpakita ka. "Sabi ko sa Feather Necklace ko at Agad naman Lumiwanag , at Nakita ko sa Salamin si Anghel Rica

" Bakit na naman Amesha may Problema kana naman ? "" Ano ba ang inyong pinag usapan ni Raphael ? at kanina pa siya tahimik ? "

" Tinakot ko lang siya yun lang."

Napansin ko parang may lumalakad sa Hagdanan at nakita ko si Raphael sa di kalayuan Nagging Masungit na naman ito. Tiningnan ko ang Salamin Ngumiti lang si Anghel Rica " Sorry . "Yan lang ang sinabi niya sakin . " BAKIT KA ANDITOOOOOOOOOOOO !!!!!! diba sinabi ko sayo sa kulungan kana at wag kanang bumalik. "

"Diba kanina Sinundo mo ako ? "

Kinuha niya yung Phone at may kausap siya

" Andrew bat mo naman dinala ulit ang babaeng yun dito ? "

Huh ? Sinundo mo siya kanina Bro. Anyare sayo ? Galit nga si Chairman eh , kasi Binawi mo yung Sinampa mo jan sa babaeng yan. "

Nakita kong binaba niya yung Telepono at Pumunta sa kwarto niya, ANO ba talagang sinabi ni Ate sa kanya ? Wag niyang sabihin na ginamit niya yung katawan ni Raphael. Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaa si Anghel Rica talaga. Bumabalik na naman ang pagiging Childish niya. Humarap ako sa salamin at nakita kong tumawa si Anghel Rica -__________________--



~~

 A/N : Sorry po at ito lang yong Update ko. Sorry po talaga at Pangit ng CHAPTER nato *o* TT___TT SORRY talaga huh. / Thankyou sa pagbasa Anyway \ ↓ Babawi ako sa Chapter 3 Promise * u *

Suggest po kayo ano po yung Gusto niyo Sweet momments na ba sa Chapter 3 or Angryy Momment muna ? *o* Comment lang po. SIge na po :))

My Ugly Angel (EDITING)Where stories live. Discover now