Chapter 4

40 4 2
                                    

SONNY'S POV

"Ano ka ba Tricia? Hindi ka ba natatakot?" sabi ko kay Tricia habang kumakain kami ng lunch namin.

"Don't worry Sonny, Ayaw mo nun? Bagong experience?" nakangiting sabi ni Tricia sa akin habang sumusubo ng kanin.

"Eh? Mababawasan conduct grade ko! Baka mataasan ako ni Cliff!" sa sobrang lakas ng pagkasabi ko, nabilaukan si Tricia at naubo.

"Sorry Tricia!" habang pinupunasan ko ng tissue yung bibig niya.

"Loka! Kasama naman natin sa detention yun. Kaya kasama siyang ba-baba ang grade!" tapos binatukan ako ni Tricia.

"Aray!"

"Eh kasi, worried much!" sabay ngiti ni Tricia.

Nagtataka siguro kayo kung bakit si Tricia ang kasama ko. Hindi ko kasi mahanap yung tatlong mga baliw dun sa usual na tambayan namin kaya sumabay na lang muna ako kay Tricia. Di din niya kasi makita barkada niya.

"Hi Sonny!" sabay may kumiliti sa akin, kaya ayun... Ako naman ang nabilaukan at si Tricia naman, tawa lang ng tawa. WOW HA? TINULUNGAN KO SIYANG MAGPUNAS NG BIBIG AND AKO WALA?

"S-sino k-ka b-ba?" I tried my best to speak kasi ubo parin ako ng ubo.

"Edi sino pa ba? Si bestfriend mo!"

Okay, parang alam ko na toh. Si Melissa toh, for sure. Pustahan..

Lingon.

"Oh shiz!" sabay tinakpan yung mata ko.

Inspeksyunin ang kamay...

Kapain... Aba! Malaki!

Kapain uli... Pang lalaki tong kamay na toh ah!

Wait..

Kung lalaki toh', ba't boses babae?

"Hulaan mo kung sino toh!" okay.. familiar ang voice.. si Hershey yan.

"Hershey, alam ko ikaw toh" sabi ko na may pa-obvious voice.

"Ano ka? Mali ka noh!" Melissa, for sure.

"Uy, baka di na yan makakita Dominic!" basta maganda ang boses.. Victoria yan.

Ano daw? Dominic pala ha.. Kala ko naging pang-lalaki na yung mga kamay nila and... Teka! Di yan importante! Dapat ko nang tanggalin tong' kamay na'to!

Tin-ry ko tanggalin yung mga kamay na naka-hold sa mga mata ko.. I mean, ulo ko pala. Hinawakan ko yung kamay ni Dominic and tin-ry tanggalin, pero.. No use! Ang higpit ng pagkakahawak niya! Baka, di na ako makakita nito ha? OH NO!

"Dominic! Bitawan mo na yung mukha ko.. Please?" sana gumana ang pa-awa kong boses!

"Ayiiee... Ang sweet nilang dalawa noh!" okay, mga ususero at ususera..

"Sayang naman si Cliff. Bagay pa naman sila ni Sonny." sabi ni Ususera #1

"Oo nga eh.. Syang lang may girlfreind na.." sabi ni Ususera #2

"Assuuss.. Cover-up lang niya yun! Pero ang totoong mahal niya, si Sonny!" sabi ni Ususero #1.. Yes, may lalaking chismoso..

Ayoko na ng mga naririnig ko! I need to get out of this situation.. And FAST!

Isip isip Sonny...

Isip lang...

"Dominic, please?" Ano ba yan Sonny? sa lahat ng ma-iisip mo, yun pa?! Napaka-corny mo teh!

Wala, ayaw parin bitawan.

"Ano ba Dominic?!" sinigaw ko na and buti naman, bumitaw na siya. Siguro nahalata na niya na na-iinis na ako.

The Dreamer's SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon