Chapter 25 : Damn

795 11 11
                                    

Chapter 25

"And we'll tackle safety and sanitation, nutrition, menu planning and a variety of classes in various types of cooking and baking in next week's lesson."

"That's all for today class." our professor said. Inayos ko na yung gamit ko. Napansin kong kanina pa nakatingin sa'kin si Cha.

"Anong meron?" tanong ko.

"Ang weird mo kasi. Hindi ka nakikinig kanina sa discussion. Lutang ka kanina friend!" yun pala! Hindi nga ako nakikinig kanina. Naiisip ko kasi yung mga sinabi sa'kin nung kaibigan ni Kieran.

Gusto ko syang kausapin.

"Nagugutom na kasi ako. Hindi pa ako nag-aalmusal. Iniisip ko kung anong kakainin ko. Tara lunch na tayo!" aya ko kay Cha. Sumunod naman siya. Salamat at hindi na siya nangulit pa. Ang kulit kasi ng babaeng yan. Close na kami. As in.

Nagpunta na kami sa Cafeteria. Medyo madami ng tao dahil lunch time na. Si Cha ang pumila, ako nalang daw ang maghanap ng mauupuan namin.

May bakante pa dun sa pinakagilid. Mas ayos na dun. Ayoko kasi ng attensyon. Umupo na ako at hinintay si Cha.

"Bawal ang cheap dito. Kaya umalis ka na bago pa mandilim ang paningin ko sa'yo." boses mula sa likuran ko. Pero kahit hindi ko na tignan, alam ko naman na kung sino siya.

Hindi ko siya pinansin.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko umalis ka dyan dahil uupo kami!" sigaw niya. Kingina. Ako ang nauna dito!

This time nilingon ko na siya.

"Ayoko ng gulo. Nauna ako dito."

"Kung ayaw mo pala ng gulo, edi umalis ka na dyan! Bilisan mo!" hindi ako tatantanan ng babaeng 'to. Ayoko sabi ng gulo. Tatayo na sana ako para maghanap ulit ng mauupuan ng biglang dumating si Lance at Drake.

"Alam mo mas lalong gugulo ang buhay mo kung hindi mo tatantanan ang babaeng yan." sabi ni Drake.

"At mas lalong gugulo ang buhay niyo kapag sinabi ko kayo kay Kieran! Umalis na nga kayo!" si Lance. Inirapan ni Becca yung dalawa pati na din ako. Tapos umalis na siya kasama yung mga alipores niya.

Dumating na si Cha dala yung order namin. Yung dalawa naman umalis na nung makita si Cha. Ang weird. Pagkatapos naming kumain tumambay muna kami sa ilalim ng puno sa field. 30 minutes pa naman bago ang next subject.

"Ano nga palang ginagawa ng dalawang kumag na yun kanina sa table natin?" tanong ni Cha habang kumakain ng Ice Cream. Wala talaga syang kabusugan. Ang dami niya kayang in-order kanina.

"Tinulungan nila ako kay Becca."

"Yung de puta yung mukha? Tapos may kasamang alipores na haliparot?" tumango lang ako.

"Sana tinawag mo ako! Para nakalbo ko ang Beccang yun! Beastmode ako dun. Nakakairita kasi." Yan si Cha. Sa una mukhang mahinhin, tahimik. Pero hindi! Dahil kabaligtaran ng mga sinabi ko si Cha.

"Grabe siya oh! Buti na nga lang at dumating yung dalawa." sabi ko. Tapos kinuha ko sa bag ko yung libro na hiniram ko kay Lays.

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon