41st Record: (Hidden)

224 8 0
                                    

Sa loob ng classroom...

Habang nakaupo pinagmamasdan ni Gwen si Soffi. Masayang nakikipag kwentuhan si Soffi sa mga kaklase niya samantalang si Gwen ay mag-isa lang nakaupo sa gilid.

"Naiinis ako. Bakit nalang laging sa kanya napupunta ang lahat. Bakit lagi nalang siya ang bida! Pati ba naman si Levi. Ano bang meron kay Soffi!" Sinabi ni Gwen sa sarili niya.

Gusto ni Gwen si Levi. Sa katunayan magkababata sila ni Levi. Pero sa hindi nalalamang kadahilanan hindi kilala o maalala man lang ni Levi si Gwen.

Unang araw noong nagtransfer si Gwen sa SEO University, nakasabay niya si Levi habang naglalakad sa campus. Nanlaki yung mata niya ng makita niya ang kababata niya na sikat na swimmer na ngayon. Tinawag niya si Levi pero hindi lumingon si Levi.

Sa pangalawang pagkakataon naman ay nakasalubong ni Gwen si Levi. Tinawag siya ni Gwen pero tumingin lang si Levi sa kanya saka na umalis.

Sa totoo lang naka-earphone lagi si Levi sa tuwing mag-isa lang siyang naglalakad kaya hindi niya naririnig si Gwen.

Pero sa pangatlong pagkakataon wala ng earphones na gamit si Levi. Nasa loob ng classroom noon at tuwang tuwa si Gwen dahil pumasok na ulit si Levi. Nilapitan niya ito at kinausap.

"Kumusta ka na Levi?" Tanong ni Gwen.

Lumingon si Levi sa kanya at tinitigan siya.

"Sino ka?" Sagot ni Levi.

Hindi alam ni Gwen kung anong mararamdaman niya pero paniguradong napahiya siya.

"Ako si Gwen. Kaklase mo." Yan nalang ang nasabi ni Gwen.

"Ah." Sagot ni Levi. Saka na niya pinagpatuloy yung pagkopya ng assignment.

Napabalik sa upuan si Gwen. Hinang hina yung tuhod niya sa sobrang kahihiyan. Magsimula noon ay nagalit siya lalo kay Soffi. Lalo na noong malaman niya na gusto ni Levi si Soffi. Lalo pa noong mapansin niya na nagpapansin si Levi kay Soffi. Saka pa sumunod yung tour na kung saan ay naging magpartner si Soffi at Levi. Wala siya sa mood noon the whole day. Kaya hindi niya man lang kinibuan si Teo.

Ngayon nagsimula nanaman ang mga plano ni Gwen para pabagsakin si Soffi.

"Maghintay ka lang Soffi. Magsaya kana hanggat gusto mo." Bulong ni Gwen.

P.E. TIME

Lahat ng mga students sa Room 4-A ay nagpunta sa gym. Nagpalit sila ng damit dahil required na mag p.e. uniform sila tuwing p.e. time.

Nagpunta na sa kanya- kanyang lockers ang boys at girls. Siyempre magkahiwlay na rooms iyon.

Nagbihis na si Soffi. Inalis niya yung kwintas niya at pinatong sa loob ng locker niya. Napasakto namang napadaan si Gwen. Nakita niya yung kwintas ni Soffi. At napansin niya din na parang mahalaga ito para kay Soffi dahil lagi niya itong suot.

Saka na umalis si Soffi at pumunta na sa gym. Naiwan si Gwen sa loob ng locker room. Noong siya nalang mag-isa kinuha niya yung kwintas ni Soffi. Pagkatapos ay pumunta na siya sa gym.

After ng P.E. time napansin ni Soffi na parang nawawala yung kwintas niya.

"Soffi anong problema?" Tanong ni Shey.

"Yung kwinstas ko Shey nakalimutan ko atang isuot."

"Baka naiwan mo sa locker room. Check natin."

Tinignan agad ni Soffi yung kwintas niya pero hindi niya nakita. Nag umpisa nang kabahan si Soffi dahil napakaimportante talaga ng kwintas niya na iyon.

Tumakbo pabalik siya pabalik sa gym para hanapin ang kwintas niya.

"Soffi sigurado ka bang suot mo iyon dito?"

"Shey hindi ko maalala pero alam ko tinanggal ko yun noong nagbihis ako."

"Edi dapat nandoon lang sa locker mo yun."

"Tinignan ko na sa bawat sulok ng locker room pati na din sa mismong locker ko pero wala pa din."

"Soffi baka hindi nawala yung necklace mo. Feeling ko may kumuha non."

"Bat naman nila pag-iinteresan iyon eh lumang luma na yung necklace ko na yun."

"Soffi sa mga classmates natin sino lang ba ang pwedeng magtago non?"

Natahimik si Soffi. Narealize niya ang lahat. Sa buong klase tanging si Gwen lang ang may kayang gawin iyon. Hindi nakapagtiis si Soffi tumakbo siya papunta sa room at hinanap si Gwen.

Nakita niya si Gwen na nagsusulat sa desk habang nakaupo. May earphones pang nakasuksok sa mga tengga niya.

"Gwen!" Sigaw ni Soffi.

Hindi lumingon si Gwen. Kaya lumapit si Soffi at hinila yung earphones na nakasuksok sa tengga ni Gwen. Napalingon tuloy si Gwen kay Soffi.

"Ano bang problema mo? Nanahimik ako dito." Sabi ni Gwen.

"Ipakita mo sa akin yung kwintas ko. Ibalik mo sa akin iyon Gwen!"

"Kwintas? Soffi ano bang pinagsasabi mo?"

"Gwen huwag ka nang magmaang-maangan pa alam ko na nasayo iyon."

"Wow ah. Soffi! Hinahayaan lang kita noon na apihin mo ako. Ngayon na gumagawa ka pa ng keento para sirain ako ay hindi na ako makakapayag. Sumusobra ka na!"

"Ang kapal ng mukha mo! Ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na sabihin yan!"

"Soffi! Hindi ko hahayaang mapahiya nanaman ako dahil sa kagagawan mo! Wala akong pakialam sa basura mong kwintas! Kasalanan mo yan burara ka kasi!"

Hindi na nakapagpigil si Soffi.

"Anong sabi mo?!"

Sinabunutan niya si Gwen. At nagkungwari naman si Gwen para magmukha siya kawawa. Tinomba niya yung sarili niya. At sumigaw ng tulong.

Pilit namang inaawat ni Shey si Soffi at Gwen pero wala siyang magawa.

Saka pumasok sa eksena sa Mrs. Shin.

"Ms. Soffi! Itigil mo yang ginagawa mo! Kayong dalawa sumama kayo sa akin!"

Sa loob ng office.

"Ano nanamang gulo yung ginawa mo Soffi!"

"Maam wala po akong ginagawang masama."

"Wala?! Eh nakita ng dalawang mata ko na sinasabunutan mo itong si Gwen!"

"Kinuha niya po yung kwintas ko!"

Nanahimik naman si Gwen at nagkungwaring naluluha.

"Kwintas?! Anong pruweba mo Soffi?! Paano mo mapapatunayan na kinuha niya talaga yung kwintas mo?!"

Hindi nakasagot si Soffi.

"Sige Gwen bumalik ka na sa room."

Saka na umalis si Gwen.

"I gave you a warning last time. Pero inulit mo parin. Hindi ko hahayaang walang mangyaring parusa sa'yo."

Kinabukasan nakapost sa bulletin board sa campus na suspended for 1 month si Soffi.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon