January 4, 2018 Thursday
Panaginip lang to diba? Diba?! Ok na sana eh! Bakit sa akin pa ito pinasa? Waah~! Anong gagawin ko ngayon? Kanino ko naman ito ipapasa? Ang sama ko namang tao kung ipapasa ko pa sa ibang tao. Hindi kaya ng konsensya ko 'yun. Bakit ko pa kasi binuksan? Ayan tuloy, minalas.
Kung kailan ang saya saya ko kanina kay Kurt eh dumating naman ito.
Ang ganda ng pasalubong sa akin ng bagong taon. Grabe, ang bait ng tad
Dapat kasi hindi nalang ako naging curious dun. Eh malay ko ba na yun pala ang laman nun! Tama nga sila, curiousity kills. Siguro, lahat ng kasiyahan may kapalit. Waah~! Grabe na 'tong ngayong araw ah.
Hindi yung tungkol sa nangyari kanina na pinagalitan kami. Mas worst pa dun yung nangyari pagkatapos nun.
Alam niyo ba kung bakit ako nagkakaganito? Ganito kasi ang nangyari kanina.
Flashback
Nung natapos na ang game nila Kurt, bumalik na kami sa mga classrooms namin. Tapos na ang klase namin ni T. Erycha kanina. Nag-aantay na lang kami ng dadating na next teacher.
Nasa bandang likod ako nakaupo kasi ayaw ko sa unahan. Makikita kasi yung galaw mo sa harapan kaya mas mabuti kung dito ako sa likod.
Napatingin ako kay Mika. Nasa harapan kasi siya. May cabinet kasi sa ilalim ng table namin. Pagkakuha niya ng libro, may kasamang mga letters. Bahagya pa siyang nagulat.
Oo, letters. Ganyan talaga pag maganda.
Nung nakita yon ni Chloe,
Bestfriend ni Mika, agad siyang lumapit sa kanya tapos kinuha ang mga sulat. Binuksan niya ang isa at humarap sa amin."Dear all, pwede bang pakisabi sa mga boys na wag na silang magbigay ng letters kay Mika?! Nakakabobo eh!"
Parang may mali naman 'to.
"Pareha nalang nito, imbes na DESTINY naging DISNEY!" bulyaw na naman ni Chloe na pinakita pa talaga ang sulat.
Mabuti nalang at hindi namin kaklase ang mga boys. 4th floor ang mga girls tapos sa 1st floor ang mga boys. Yung section ng mga girls ay Section A, B, C, D, at E. Sa mga boys naman Section A1, B1, C1, D1,at E1. Iba iba ang rooms namin. Hindi gaya ng ibang school na magkasama ang boys at girls sa iisang classroom.
Epic kasi ang mga boys sa First High. Eh paano ba naman puro Section D1 at E1 ang mga nagbibigay ng mga letters, maliban nalang kay Kurt, last section pa! Kaya kung nagsusulat sila ng letters, pati grammar at spelling bagsak.
Dumating na ang Teacher (pagkatapos ni Teacher Erykha) namin kaya napaupo naman si Chloe.
"Get your book on Exploring Science and open it on page 84," sabi nung Teacher namin.
Kinuha ko na yung libro ko tapos nilagay ko sa desk.
May kasamang sulat.
Actually hindi ko alam kung sulat ba talaga to. Pero nakaenvelope na pink tapos nakalagay "To Naffee Truly."
BINABASA MO ANG
The Promise (Editing)
Novela JuvenilIs there a chance that your life will change in a snap of one hundred days with him?