Pimple

1.3K 27 0
                                    

Ria's POV

"Ano ba yan! Claire! May Pimple na ako!" reklamo ko sa kaibigan ko habang nakaharap sa salamin na hawak hawak ko.

Umaga ngayon. Nasa canteen kami. Hindi pa nagkaklase. Walang masyadong tao dito. First Day nga pala ngayon.

"Mabuti nga at nag ka pimple ka na. 17 ka na. Ngayon ka lang nagkapimple. 12 nga, meron na ako" sabi niya.

"Patingin nga." sabi niya at humarap ako sakanya. Hinawakan niya at biglang diniinan.

"Aray!" sigaw ko sakanya at tumawa naman siya.

"Buti nga iisa lang yan eh" sabi niya at tuloy lang ako sa pagtingin sa salamin.

Biglang nagring ang bell at nag madali na kami ni Claire pumunta sa Room. Hinanap pa namin.

Pumasok kami at naghanap ng bakanteng upuan. Meron. Dalawa. Kaso hindi magkatabi kaya naghiwalay kaming dalawa.

Nasa harap si Claire habang ako ay nasa likuran. Umupo ako ng tahimik kasi ang lakas magkwentuhan ng mga katabi ko.

May pumunta na lalaki sa kanila. Nag greet sila. Mukhang magkaibigan sila. Bigla silang tumahimik. Gawa ba ng lalaking lumapit? Hindi ko nakita kung ano ang itsura niya.

Ay mali. Kasi nandito na si ma'am. Nagdiscuss na si ma'am. Makalipas ng dalawang oras ay dinismiss na kami.

Inayos ko na ang gamit ko at pumunta kay Claire. May naramdaman akong nakatingin pero hindi ko na pinansin at tuloy lang naglakad.

Nang makapunta na ako kay Claire ay na abutan ko pa siyang inaayos ang gamit niya. Nagkwentuhan kami. Nagusap kami na para bang ilang buwan kaming hindi nagkita.

Nakaramdam kami ng gutom at nagdesisyon na pumunta ng canteen. Matapos naming lumabas ay napansin kong wala ang salamin ko sa bag ko.

Pumasok ulit ako sa Room at pumunta kung san ako nakapuwesto kanina. Wala dun. Pumunta ako sa pwesto ni Claire. Wala. May onte pang tao, apat. Nagtanong ako sakanila at wala aking narinig na nakita nila.

Naglakad nalang ako papunta sa pintuan kung saan nakita ko si Clare na nakatingin sakin na hindi ko maintindihan.

"Ano hinanap mo?" tanong niya habang naglalakad na kami.

"Salamin ko nawawala" sagot ko sakanya.

"Ayaw mo nun. Edi wala ka nang proproblemahin na may isang malaking Pimple ka na" sabi niya at pinitik ko siya sa noo. Tumawa siya. Inirapan ko nalang siya.

Nang makarating na kami sa canteen, agad na pumila si Claire. Magkakanin ka siya kahit alas gis palang.

Nagpaalam ako na maghahanap lang ako ng mesa since marami rami ang tao ngayon.

May nakita naman ako. Yung in upuan naming dalawa kanina.

Agad na binilisan ko ang lakad ko at nakamit ko ang mesa. Feeling ko nagkareward ako kasi alam kong may pupunta dito at inunahan ko sila.

May nakita akong nakalagay sa gitna ng mesa. Nanlaki mata ko at napangiti. Salamin ko siya. Ganito talaga ako. Ayaw ko na may nawawala. Kahit salamin man lang.

Kinuha ko at biglang kumunot ang noo ko. May papel sa ilalim niya. May nakasulat. Ha?

Hindi ko ma process ang nakasulat sa papel. Tinitignan ko lang siya. Para bang hindi ko maintindihan ang lengwahe kahit tagalog parin.

Di nagtagal ay dumating na si Claire.

"Oi. Anong kawalan ang tinitignan mo?" sabi niya habang nilalabag ang pinggan sa mesa.

Pimple (oneshot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon