a/n hello po! sana po magustuhan niyo ang chapter three! salamat po sa mga nagbabasa! :D hehehez. sana po makadagdag yung chills ng chapter na 'to sa lamig ng gabi! hahaha kidding, ito na po. salamat!
Chapter Three
Gwyneth's POV
"Anak kumain ka muna bago ka matulog! Baka magka-sakit ka niyan ha!" paalala sa akin ni mommy pagkarating na pagkarating ko pa lamang dahil dumiretso na agad ako paitaas habang nakapikit ang mga mata dulot ng sobrang antok.
Anong oras na ba? Alas nuwebe na oh! Nagpractice pa kasi kami para sa isang presentasyon kaya heto't hapong hapo ako na halos 'di na ako maka-akyat pa sa hagdanan namin, para bang gusto ko na lamang humiga at matulog, matulog ng mahimbing ughhhhh.
"Hmmm." wala sa wisyo kong tugon at sa wakas ay narating ko narin ang taas at harapan ng aking kwarto. Hindi ko na kaya inaantok na talaga ko, pati kumain narin naman ako kanina sa bahay ng aming ka-klase kaya siguro ay sapat na 'yun.
Sa sobrang pagod ay nakapag-palit ako ng damit ng nakapikit ang mga mata at
Teka? Bakit nasa school ulit ako? Naka-uwi na ako ah, at tanda kong nagbibihis na ako ng damit habang naka-pikit... Nakatulog ba ako?
Bakit ako nandito?! Lumingon-lingon ako sa mismong kinatatayuan ko at napagtantong nasa hallway ako ng isa sa mga buildings sa school namin.
Iginala ko ang aking paningin at nagulat nang napag-alamang ako na lang ang tao, patay lahat ng ilaw at walang kahit isang tunog na naririnig sa loob ng building pero sa labas ay ang ingay!? Bakit ang daming nagsisigawan? Anong mayroon sa labas?
Ang tanging pinagmumulan lamang ng liwanag ay ang natural na sinag ng ngayo'y lumubog ng araw, unti-unti ng dumidilim at dahan-dahang lumalamig.
Nagsimulang sumibol ang takot sa dibdib ko at ikinuyom ang aking mga kamay na nanginginig sa hindi maipaliwanag na takot. Ano nanaman ba ito?
Kahit pa ayaw ko ay pinilit kong igalaw ang katawan ko at nagsimulang mag-lakad, dahan-dahan, mabagal at maingat na para bang isang maling yapak ay mahuhulog ako mula sa mataas na lugar.
Nalagpasan ko ang unang pinto ng isang classroom at isa, at isa pa pero bakit ganun? Bakit hindi ko maabot ang hagdan pababa sa dulo ng corridor? Shit.
Huminto ako at pinigilan ang mga luhang unti-unting namumuo sa magkabilang sulok ng aking mga mata.
Itinaas ko ang aking kanang kamay, itinapat sa noo, sa aking tiyan at magkabilang balikat sabay pikit ng mariin.
Lord.
Mahigpit kong ipinagdaop ang aking mga palad at sumambit ng mga panalangin ngunit agad akong nahinto nang makarinig ng kakaiba at kakila-kilabot na tunog.

BINABASA MO ANG
Mayhem In The Trance
Mystery / ThrillerSometimes, people tend to prefer dreaming out loud than being stuck in a harsh reality and having to face it. But for Gwyneth, unlike them, her dreams become the source of terror and death. Are all of these just made up in her head? What must she d...