Kung sasayangin mo lang ang pagmamahal ko, Wag na nating subukan.
Kung sasayangin mo lang ang katulad ko, Atin nang agapan.
Kung sasayangin mo lang ang mga salitang binitiwan mo, wag ka nang mangako.
Kung sasayangin mo lang ang lahat lahat ng ating nasimulan, Nakikiusap ako wag na wag na nating subukan.Dahil Ayokong magmahal ng ako lang mag isa.
Ayokong maniwala sa mga bagay na katakataka.
Ayokong marinig ang mga matatamis na mensahe sa maduming bunganga.
Ayokong yakapin ang taong kahinahinala.
Ayokong halikan ang labi na simpait ng ampalaya.
At ayoko, ayaw na ayaw ko na nagmumukhang tanga. Dahil una Nagmamahal ako ng sobra, Dahil pangalawa Minahal kita. Dahil pangatlo ako'y nagpapakatotoo. Dahil pang apat, binigay ko lahat. Dahil pang lima akoy naniwala. Dahil Pang anim, Ang pagtingin ko sayo'y sobrang lalim. Dahil pang pito, ayokong niloloko ako. Dahil pang walo, Naniniwala ako sa pangako. Dahil pang siyam, Dumating ka ng diko inaasahan. At dahil pang sampo, Minahal kita ng totoo. Gusto mo pa ba ng Panglabing isa? Wag na. Dahil sapat na ang Sampung binitawan ko, para ipaalala sayo na wag na wag kang kakawala.- Rconpash 👍
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.