TELEPONO

420 3 0
                                    

Mula sa tahimik kong mundo,
May isang tawag na narinig ako.
Isang tawag na galing sayo.
Napangiti ako.
Kasi nagparamdam kana.
Nagdalawang isip ako.
Sasagutin ba kita?
O ibababa ko na?
O tatanggihan ko nalang kasi hindi pa ko handa. Pero hindi eh.
Handa na siguro ako.
Kase nung nagparamdam ka lang, Napangiti mo ako.
Kaya bumuntong hininga ako.
At eto na,
Sinagot ko na ang tawag mo.
Ngiting ngiti ako, habang pinapakinggan ang napakalambing na boses mo, habang sinasabi ang mga Pangako at kung gaano ka kasaya dahil sinagot ko ang tawag mo.
Sinabi mo sa akin na ayaw mong matigil ang koneksyon.
Ayaw mong maputol ang koneksyon.
Dahil sabi mo sakin na sa kalungkutan mo, Ako ang sagot. Ako ang solusyon.
Pero dahil madali akong makain ng Imahinasayon, ng ilusyon,
Naniwala ako sa mga nakakakilig nating Diskusyon.
At masaya lang ako.
Masaya lang ako habang hawak ko ang telepono,
Na nagsisilbing tawag ng Pag ibig mo.
Pero habang tumatagal ang ating diskusyon,
Nakakaramdam nako ng pagsawa mo,
At pagiging walang gana mo.
Nawalang bigla ang malambing na boses mo.
Hindi ka na makuwento,
Hindi ka na kumikibo.
At tanging naririnig ko nalang
Ay ang malamig na paghinga mo.
Kaya di na ko nakatiis.
Sinubukan ko.
Sinubukan kong magbahagi ng ilang mga kwento.
At sinimulan ko sa
'Naaalala mo ba ito?',
'Naaalala mo ba ang dating tayo?'.
Pero wala parin akong nakuhang kahit anong sagot kundi ang paghinga mo.
Hindi ko na din alam ang gagawin ko,
Kaya nag antay nalang ako.
Nag antay na muli kong marinig ang boses mo,
At muli kang kumibo.
At heto ako,
Nakakapit lang.
Hawak ko lang ang telepono.
Hanggang sa marinig ko ang pagbuntong hininga mo.
Tinawag mo ng seryoso ang pangalan ko.
Natahimik nalang ako,
At hindi nalang ako nagulat sa Huling sinabi mo.
Dahil alam ko na,
Kung saan papunta ito.
Kaya hinayaan ko nalang na tumulo,
Tumulo ang luha ko.
Hinayaan ko nalang na matapos to.
Dahil ang pag ibig talaga natin ay parang Telepono.
Ang pag ibig mo sakin ay parang Telepono.
Kung sinimulan mo sa 'Kamusta ka',
Tatapusin mo lang sa,
'Paalam. Ibababa kona'

- RCONPASH ❤

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon