Mabilis, ngunit maingat na nag maneho si Brandon pabalik ng Isabela. Hindi ko parin mawari kung paano ako haharap sa mga magulang ko, ngayong napatunayan nilang nagkamali ako sa pag pili at pag ibig kay Michael.
Nag alok na mismo si Brandon na i-uwi ako ng Isabela matapos nga nyang makita ang larawan na ipinadala ni Leo sa Facebook ni Brandon. Matagal akong umiyak bago sya nag disisyong bumiyahe. Inalok nya akong kumain muna pero tumanggi ako. Bukod sa wala akong gana, hindi ko parin mapigilang umiyak ng tahimik habang alam kong pinag mamasdan ako ni Brandon paminsan minsan.
Paulit ulit ko paring tinatawagan ang number ni Michael at Agatha, ngunit pareho lang itong nakasara. Nag iwan na ako mg mga mensahe na alam na namin ang tungkol sa kanila, at mga pakiusap na iuwi na ni Michael si Agatha sa amin sa Isabela.
Paliko palang kami papasok ng kanto kung saan naka linya ang aming bahay dito sa baryo ay para nanaman akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Napa lingon si Brandon sa akin at nakit nyang napa tulala ako sa pagka bigla.
"Kayla, anong problema?" Nag aalala nyang tanong. Inihinto nya ang kontse nya sa likod ng kotseng naka parada sa harapan ng bakuran namin.
"Sa kanya yan." Mahina kong sagot, habang pinag mamasdang mainam ang kotseng nasa harapan namin.
Biglang nagalit ang mukha ni Brandon. Pinatay nya ang makina ng kotse nya at mabilis na lumabas mula dito. Binuksan nya ang pintuan sa tabi ko at tinitigan ako pababa habang naka tayo sya sa labas ng pinto.
"Bumaba ka na diyan." Matalim nyang sabi. Ngunit hindi ako gumalaw, hindi rin ako maka imik. Natatakot ako. Natatakot akong harapin sila Inay at Ama, si Leo. Natatakot ako sa magagawa ka kay Agatha, lalong lalo na kay Michael. Alam kong nandito na sila, at hindi ko alam kung pano sila haharapin.
Nag ngangalit ako sa sobrang galit, ngunit nanlalabot naman ako sa sobrang sakit. Hindi ko na alam kung ano ba ang tamang gawin o isipin. Hindi ako maka tayo o maka galaw manlang.
Napa tingin ako kay Brandon ng maramdaman ko ang pag hawak nya sa mga kamay kong naka patong sa kandungan ko. Yumuko sya at ipinasok ang ulo sa loob ng kotse para ilapit ang mukha nya sa mukha ko, kaya pag lingon ko sa kanya ay talaga namang sobrang lapit namin sa isat isa.
"Be strong. Nandito lang ako para sayo. Nandito kami ng pamilya mo para sayo. Kailangan mo na silang harapin, Kayla." Marahang sabi ni Brandon sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pag aalala nya para sa akin. "Kailangan mo na silang harapin." Tapos nya. Binigyan nya ng matamis n halik ang noo ko bago nya ako alalayan palabas ng kotse nya.
Mabigat man ang dibdib ko sa halo halong nararamdaman ko ngayon, pinilit ko paring ilakad ang mga paa ko papasok ng bakuran namin. Bawat hakbang ay napaka bigat na pasanin sa akin. Ngunit napaka laki ng naitutulong ni Brandon sa akin sa mga oras na ito. Ang simpleng presensya nya lang, at pag hawak nya sa kamay ko habang hinihila nya ko papunta sa pintuan namin, ay napakalaking alalay sa akin upang humakbang.
Ilang hakbang pa bago namin marating ang pintuan ay bumukas ito, inihayag si Leo sa likod nito. Sa itsura nya na parang awang awa sa kalagayan at hitsura ng ate nya, mukhang nakita nya mula sa bintana na nandito na kami ni Brandon.
Napahinto ako. Lumingon si Brandon sa direksyon ko habang hindi parin binibitawan ang kamay ko, lumapit din naman Leo sa akin.
"Ate?" Nag aalalang tinig ni Leo. Dahan dahan kong nilinga ang mukha nya. Hindi ko maiwasang mapaluha at manlambot. Natatakot ako. Natatakot akong harapin si Michael at Agatha.
BINABASA MO ANG
Kayla
General FictionThis is a three part, movie like story that will make you realize that you're life isn't always as perfect as you want and wish it to be, but will certainly teach you the beauty of life after moving forward.