Ika-siyam na Hiwaga

291 52 96
                                    

This Chapter is dedicated to YannaPinkGlamour for my Book Cover! THANKYOU!

Ika-siyam na Hiwaga.

Josefa Eleanor Macabebe:

Sa sobrang excited ko sa photoshoot namin ni Elizalde e, alas-quatro pa lang ng madaling araw ay nagising na ako! 8am daw ay susunduin niya ako!

Sosyal mo Josefa, mukhang tinamaan din sayo 'yung Elizalde na 'yun! Haha! Matalino, seksi, malantod ng slight at plastik ka kase! Haha! Oh? Bongga!

Naligo na ako, at pinahiran na ang mga pimples ko ng bagong bukas na BB cream, habang nag papahid ako ng BB cream ay parang may naririnig akong mahiwagang boses ba tumawag saken.

Josefa.... Josefa....Josefa gamitin mo ako... Josefa...

Sinundan ko ang napaka-hinang tinig. At dinala ako sa tukador ko. Napakunot naman ako ng noo. Binuksan ko ito. Nakita ko ang Baul kung saan nakalagay ang mahiwagang face cream. Nagliliwanag ang paligid nito. Animo'y may lumilipad na alitap-tap sa paligid nito.

Napakasarap titigan. "Hindi! Hindi kita kailangang gamitin. Saka na. Kailangan ko munang pag-aralan na patagalin ang bisa mo..." Sabay sarado ng tukador. I heaved a deep sigh, at bumalik sa malaking problema ko.

Natapos ako ng 6:30am. Bumaba ako upang mag umagahan. Nakita ko ang pinsan kong si Tyrone na nag fle-flex ng muscle. Lagi nalang! Akala niya tatalab pa saken 'yan? Hindi na noh? Haha! Atsaka tama na ang pakikipag-harutan kay pinsan. Busy me!

"Good morning! Tyrone, agang GGSS naman niyan?" Hininaan ko 'yung GGSS baka marinig niya patay ako! Haha!

"Ano 'yun Josefa?" Natawa na lang tuloy ako.

"Sabi ko Good morning, Tyrone..."

"Ahhh! Morning din, mag breakfast kana, at may part time job ka daw sabi ni Mama. Sino ba 'yung lalaking kausap mo ng nakaraan? Hinalikan ka pa? Hindi ba nandiri 'yun? Hahaha!" Aba't napaka-sama naman ng pananalita nito! Baka nag-seselos lang siya! Haha! Ikaw na talaga Josefa.

"Naku!? Nakita mo pala! Magnanakaw lang 'yun, hays! Wag kang mag selos 'dub, hihi! Mag pinsan kaya tayo! Ikaw talaga." Sabay lagay ng ilang hibla ng buhok ko sa tenga ko. Pabebe na naman si ako! Haha.

"Hahaha! Napaka-mapag-biro mo talaga, pinsan! Haha! Sige na, mag umagahan kana. Good luck sa work mo. Pag sumahod ka treat mo kame ah?!" Sabay tunggo sa braso ko. Mukha 'talagang patay gutom! Chos!

Ang Mahiwagang Face Cream ni Josefa. ( #Wattys2017 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon