Kung Ako Nalang Sana (Leonard and Trixie)

2 0 0
                                    

Trixie's POV

Hi, before I start magpapakilala muna ako. I'm Trixie Sinichi Manzano. My bestfriend is Leonard Luis Villanueva. I'm in love with him for a long time. Since bata pa kami kilala ko na siya. Kilalang-kilala. Sinasabi nga niya lahat sa akin, at ang mas masakit pa, yung mga nililigawan at nagugustuhan niya, inaamin niya sa akin. Saklap noh? Ito naman ako, nakikinig kahit nasasaktan.

*knocks*

In-open ko agad ang door, and as I expected, si Leonard na naman and I'm sure may ishe-share na naman yan. Hay!

"Trix, sinagot na ako ni Emi!" Agad na sabi niya. Hay! Na naman. Halatang ang saya-saya niya. Si Emi, Emi Tarissa Rutherford. Maganda, maraming naghahabol at no wonder na gusto siya ng bestfriend ko. Kaya siguro ang saya-saya niya kasi sa lahat ng suitor ni Emi, siya ang sinagot. Buhay nga naman. Bakit ba ako nain-love sa taong alam kong iba ang gusto? Masakit lang.

"I'm so happy for you, Leo." I said and form a fake smile in my lips.

"You said you're happy, pero yung mukha mo yung nagsasabing hindi." Leonard.

"No, I'm so happy talaga." I said and smile again. Sana hindi niya mahalata.

Tumango-tango naman siya. Hay! Buti naman. Bakit ba kasi ang manhid ng lalaking to?

Nag-uusap kami about sa pagsagot sa kanya ni Emi. Masakit. >.<

Halatang masayang-masaya siya. Sana ako nalang, sana ako ang nagpapasaya sayo ngayon at hindi siya.

Umalis na siya. Ang sakit lang. Ako naman parang tanga na nakikinig kahit nasasaktan. Bakas sa mukha niya ang saya niya.

•••••

Makalipas ang ilang buwan na hindi na kami nakapag-usap ni Leonard. Busy siya sa girlfriend niya. At kung magkausap man kami ay sinasabi niyang wag kaming magtagal baka kasi daw magselos si Emi eh selosa daw yun. Pake ko ba? Bestfriend naman kami eh, atsaka matagal kaming magkakakila. Sorry huh! Hindi ako ang girlfriend.

Andito ako ngayon sa school. Classmate kami ni Leonard simula grade school hanggang ngayon. Nag-iba na siya. Nung hindi pa naging sila ni Emi, ako ang una niyang kinakausap hanggang sa makarating ang prof namin. Ngayon, ang kinakausap niya ay si Emi na. Kitang-kita sa mata niya na in-love siya sa babaeng kaharap niya ngayon.

"Baka matunaw sila." Laking gulat ko na may nagsalita. Napatingin naman ako. Si Carly pala, Carly Honey Bond. Isa kong bestfriend.

"Oh, besh. Andyan kana pala. Atsaka, anong matutunaw?" Me.

"Sila oh!" Sabi niya at tinuro sila Leonard at Emi. "Kanina ka pa kasi titig na titig sa dalawang yan." Dagdag niya.

"H -hindi ako nakatingin s-sa kanila noh!" I denied. Mahirap ng mabuking noh!

"Wag ka nang mag-deny besh, halata namang may gusto kay Leonard noh!" Carly. Napalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ganun ba talaga ka halata?" Out of nowhere na tanong ko. Napatango naman si Carly. So, possible na nahahalata din niya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shots Compilation (Teen Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon