Habang nanonood ako ng Olympics 2016....
Minsan naisip ko na kung noong bata ako ay hindi ako masyadong nag inarte o kaya naman naisip ng parents ko na isali ako sa iba't ibang sports like taekwondo, volleyball, swimming etc... Baka isa na rin akong atleta na nangangarap na makasali sa mga international competitions at makalaro sa Olympics. Sa totoo lang isa ito sa mga what ifs ko sa buhay. Kung naging malakas lang ang loob ko at makapal ang mukha ko baka kabi kabilang sports event na ang sinalihan ko. Haaaay life!
Lumaki akong may lolo, lola, tatay, nanay, tito at tita na mga die hard fans ng basketball. Lumaki akong napanood ang Ginebra, Alaska at Purefoods sa PBA. So hanggang sa edad ko na ito, mas gusto kong manood ng sports game kesa manood ng mga teleserye o kdrama. Parang kulang ang Sunday namin pag wala kaming pinapanood na basketball games. (mas exciting ang Sunday namin pag may laban ang Ginebra! Hahahaha) Mas umalab pa ang pagmamahal ko sa basketball dahil sa Gilas Pilipinas, nakiisa ako kasama ang buong Pilipinas na sumigaw ng LABAN PILIPINAS PUSO nang naipasok ni Jimmy Alapag ang dagger 3 against our all time rival South Korea! (Kahit mahal ko si Matteo Do, pag basketball ang pinag usapan doon ako sa bansa ko!). Naiyak nung sinabi ni Magoo Marjon na "The Curse of Korea is about to be broken here inside the MOA Arena." Oo corny na pero naiyak talaga ako at alam ko na naiintindihan ako ng kapwa ko mga basketball fan. Right guys?!!!
Then there goes volleyball, especially that girl named Alyssa Valdez! Grabe that girl, isa siya sa dahilan ng what ifs ko sa sports. Kung naging volleyball player lang ako nun highschool, baka SANA nakapaglaro din ako sa UAAP noong college! Tas makakapasok ako sa team A ng UST. Tas pag may laban sa Araneta o MOA, gaganahan ako maglaro kasi may magtsi-cheer ng GO USTEeeeeeee! Tas tas tas.... Nag iimagine lang pala ako! Hahahahaha. Layo na ng narating ng imagination ko! Waaaaah!
The bottom line is pag naging isang atleta ako baka nasa Rio na rin ako! (Pag nangarap ka, taasan mo na wala naman kasing masama!)
Habang pinapanood ang mga players sa Rio na lumalaban dala dala ang pangalan ng kani kanilang bansa, iniisip ko na kung naging atleta lang ako baka isa na din ako sa nangangarap na mag uwi ng kauna unahang gold medal ng ating bansa. Naiingit ako kay Schooling nang matalo niya si Phelps na kanyang mentor sa swimming at naiuwi ang kauna unahang gold medal ng Singapore. Oo nakakainggit pero ang ginawa ni Schooling ay isang patunay na wag tayong tumigil na mangarap dahil darating ang araw na matutupad din ito. Di man ganun kadali pero sa huli magiging worth it din ito!
Ano nga kaya ang feeling pag ikaw ang kauna unahang Pilipino na maguuwi ng gold medal natin? Naku baka 10 million ang ibigay sa akin ni Digong! Hahaha. Pero ang swerte talaga ng mga nasa Rio ngayon kasi manalo o matalo man sila, walang medalya ang tutumbas sa hirap at sakripisyo na ginawa nila makapunta lang dun. Isa na rin sila sa mga dakilang Olympian ng kani kanilang bansa.
Malay niyo sa susunod na Olympics sa Tokyo 2020, andun na ako!
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
RandomDahil ayoko naman gawin madrama ang wall ko sa facebook, naisip ko na dito na lang sa wattpad ilabas ang mga hugot at mga kadramahan na pinagdadaanan ko. Wala kayong pake kaya shut up na lang kayo.