Bakit ganito, Iniwan mo lang ako. Iniwan sa Isang malamig at tahimik na kwarto.
Kwarto, kwarto na nagsisilbing kapiling ko habang kasama ang mga Unan.
Unan, unan na taguan ko ng sikreto.
Sikreto, Isang sikreto na maaaring ikasakit ng aking puso.
Puso, pusong ibinalik mo sa akin ng sira sira, durog durog at di ko alam kung paano ako makakalimot.
Makakalimot, makakalimot ba ang puso kong sinaktan mo lang, na para bang naging isang laruan na naging libangan mo lang at ako'y luhaan.
Luhaan, luhaan dahil ako'y iyong sinaktan na para bang binunutan ako mg tinik at di na alam kung paano ba maibabalik.
Maibabalik, maibabalik pa ba ang dating nakaraan, dating daan papunta sa puso mo pero mahal hindi ka kawalan.
Dating nilaan, nilaan ko lahat para mapasaya ka lang pero binalewala mo lang.
Dating kaibigan, kaibigan ko na napalapit sayo na minahal ko tapos naging tayo tas iniwan mo lang.
Dating laman, laman ka ng puso ko pero nagbago ka kaya wag nalang.
Dating kulungan, kulungan ng puso nating dalawa pero nang ibigay ko sayo ang susi kumawala ka.
Sayang, Nasayang lahat ng ating binuo.
Pangarap, pangarap na akala ko matutupad. Pero mali. Nagkapirapiraso lahat. Na naging isang kalat na kailangan ng itapon at ipagpag.
Sayang, sayang ang pagmamahal natin sa isa't isa. Pero, maituturing bang pagmamahal kung kumawala ka?
Pero mahal, Minahal mo ba talaga ako? O sadyang napilitan ka lang kase gusto mong makipaglaro.
Mahal, Sana di nalang. Sana di nalang.
Di kita nakilala, di kita nakita, di kita nilapitan, di ako nakipagkaibigan.
Di ko sana binigay lahat, kase yung pagmamahal mo parang hindi sapat.Napagtanto ko na ang Pagmamahal at Kasiyahan sa umpisa lang mararamdaman tapos, Bandang huli, bandang huli, bandang huli, Luluha ka lang.
- Rconpash 👍
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.