I'm Secretly Inlove To You
ThisCraaazyGirlAika Nadine POV:
Nasa harap ako ng locker ko ngayon.
Nakatanggap na naman ako ng isang rose na may note at naglalaman ito ng sweet messages.
Sino kaya ang secret admirer ko?"Huy Panget! Ano yan?"
Nagulat ako nung biglang sumulpot si Terrence. Ang Ultimate Enemy ko.
Pero kahit magka-away kami, Mahal ko yan."Malamang rose" sarcastic na sagot ko.
"Hahahahahaha! May nagkamaling nagkagusto sayo" pang-aasar niya.
Napairap na lang ako. Bat ko ba minahal tong lalaking toh!?
"Tse! Lumayas ka nga! Nakakasira ka ng araw ko eh!" Inis na bulyaw ko sa kanya.
"Ayoko nga mamimiss mo lang ako eh" at ngumiti pa siya ng nakakaloko.
"Miss your face!" Sagot ko at umalis na dun.
Nagpatuloy lang ang klase hanggang uwian na.
Nagco-commute lang ako pauwi pero dahil trip kong maglakad ngayon, naglakad na ako.
*Beep*Beep*
Isang malakas na busina ang narinig ko pero bago pa man yun ay may yumakap na sa akin.
Nanginginig akong tumingin sa lalaking nakayakap ngayon sa akin."T-terrence...." Takot kong sambit.
"Ok ka lang ba? Wala ka bang sugat? Nadaplisan ka ba?" Nag-aalalang sunod sunod na tanong niya sa akin.
Napatulala na lang ako dahil sa mga tanong niya. Totoo ba to?
Nag-aalala siya sa akin?"Tarant*do yun ah. Ang mabuti pa ihatid na kita. Tsk. Di ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo eh" sabi niya.
Tumango na lang ako.
Kahit takot na takot ako napa-ngiti ako ng palihim.Hinatid niya nga ako hanggang sa bahay namin.
"Sige una na ako. Mag- ingat ka na lang sa susunod" sabi niya at tumalikod na.
"Sandali lang" pagpigil ko.
Humarap naman siya sa akin.
"Salamat kanina. Kung hindi dahil sayo malamang pinaglalamayan na ako" nakangiti kong sabi.
"Wala yun. Basta para sayo"
Hindi ko na narinig yung huling sinabi niya dahil sobrang hina nun.Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin yun at ako naman, nakangiting pumasok.
*****
Terrence POV:Maaga akong pumasok ngayon.
Nilagay ko na sa locker ni Aika yung rose.
Oo ako ang secret admirer niya.
Mahal ko siya simula nung naging kaklase ko siya.
Alam ko namang ayaw niya sa akin dahil lagi ko siyang inaaway o inaasar.
Yun lang kasi ang tanging naisip ko kung paano mapalapit sa kanya.Break time...
Nakita ko siyang kumakain sa isang table sa canteen.
Lalapitan ko na sana kaso may lumapit sa kanya na lalaki at tinabihan ito.
Napa-kunot ako ng noo.
Epal tong lalaking to!
Umalis na ako dun baka masapak ko pa ang lalaking yun.
****
Nagdaan ang ilang araw at kasama pa rin ni Aika yung lalaking yun!
Halos araw-araw na rin ako nakakasira ng gamit sa kwarto ko.